May mga nagsasabi na kaya raw pinagbubuti nang husto ni Batangas governor Vilma Santos ang kanyang pagiging public servant ngayon ay dahil may posibilidad na tahakin din niya ang landas patungong Malacañang Palace.
Pero aniya, "'Yong sa politics, hindi ko ito plinano. Maybe it was meant.
"Pero para sabihing ako ay may political ambition na next time ay ganito, wala, e.
"Puwedeng tumakbo, puwedeng hindi. It won't matter actually.
"Hindi ko kinaiingitan ang Presidente natin!" natawang sabi pa ni Vilma tungkol kay President Noynoy Aquino.
"Ang hirap po ng trabaho. Nakikita n'yo naman, ang Presidente nating si PNoy, naku, sa problema, baka maubos ang buhok!
"Sorry, Mr. President!" tawa niya ulit.
"Magkasama lang kami recently. Sorry po.
"But I understand the responsibility na meron sa shoulder niya.
"Governor lang, ang hirap na ng responsibilidad, e. How much more ang President?
"So, para ambisyunin ko 'yon, teka muna... Parang gusto ko muna yatang mag-travel na kasama 'yong pamilya ko."
Patuloy niya, "Nine years old, nagtatrabaho na ako. So, hindi para pahirapan ko pa 'yong sarili ko, di ba?
"But again, at the end of the day, hindi ako puwedeng magsalita nang patapos because, again, if it's meant, it's meant."
BEAUTY SECRET. Bagamat masasabing stressful ang pagiging isang public servant, napapanatili pa rin ng 57-year-old actress-politician ang kanyang kagandahan.
Ano kaya ang sikreto ni Ate Vi na hindi nangangarag ang hitsura niya after all these years?




0

