Si Kris Aquino ang bagong hirang na Honorary Patron of the United Nations High Commission for Refugees.
Tinalakay ang appointment ni Kris sa UN sa interview sa kanya ng The Buzz host na si Boy Abunda na ipinalabas kahapon, October 23.
Ayon kay Kris, tungkol sa pagkaka-appoint sa kanya ng UN, "Okay, parang ang pagka-explain sa atin noong sa UN, yung first class talaga is Angelina Jolie because she's been there for 10 years.
"So, siya ang ambassador talaga, the rest are patrons.
"Una, Boy, sasabihin ko lang ha, si PNoy [her brother President Noynoy Aquino] has nothing to do with this appointment.
"Kasi, mero'ng ibang nag-iisip na, in-appoint niya yung sarili niyang kapatid.
"Nanggaling sa United Nations talaga 'to. Meaning, sa Switzerland mismo.
"Sila ang nagpasya at alam mo na ang tagal-tagal ng prosesong pinagdaanan natin for this."
Ayon din kay Boy, bilang manager ni Kris, 2010 pa raw nila yun napag-usapan.
Dugtong ni Kris, "We heard nothing na from them. So, tayong dalawa, nanahimik na lang."
Isa raw sa nabasa nila sa requirement, dapat ay walang affiliation sa politics.
Kaya pahayag ni Kris tungkol dito, "Yes, na-bring up ko yun and my brother is there right now.
"Imposible naman na hindi ka magpapakita ng political colors.
"Pero, tinanong lang nila, 'Do you have an intention to run on 2013?' So, yun lang?"
YES TO POLITICS? May plano nga ba siya na tumakbo bilang governor ng Tarlac, or senador ng Pilipinas?




0

