Bagamat may ilang lalaking nali-link ngayon sa Queen of All Media na si Kris Aquino, diretsa niyang inihayag na wala siyang panahon para sa lovelife ngayon.
Sa launch ng kanyang bagong line of kitchen and home products na K Everyday, na ginanap kahapon, Oktubre 2, sa SM Megamall, sinabi niya na masyado siyang abala sa trabaho ngayon.
Bukod sa kanyang daily morning talk show sa ABS-CBN na Kris TV, pinagtutuunan din ng pansin ni Kris ngayon ang pelikulang kanyang ginagawa kasama si Dingdong Dantes, ang Segunda Mano.
Ito ay opisyal na kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.
Kaya naman nang usisain siya tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan nila ng dati niyang Dalaw co-star na si Diether Ocampo, sumagot siya na, "Wala 'yon."
Paliwanag pa niya, "Pero hindi naman kami nagkikita na. At araw-araw ang trabaho ko."
Pero sa panayam na ito, pinaalala ng ilang miyembro ng media na nakita umano nila na pinadalhan siya ni Diether ng Starbucks coffee sa set ng kanyang programa.
Hindi na raw ito naulit, sabi ni Kris.
"Kasi, tumawag ang ate [Ballsy] ko sa akin pagkatapos i-air ang episode.
"Tapos sinabi ng ate ko, 'Krissy, 'di ba, you said ayaw mo na ng guwapo? I'm just reminding you that you said na ayaw mo na ng guwapo.'
"So, sinabihan ko siya [Diether], 'D, naiilang ang sisters ko. Huwag na natin bigyan ng stress.
"Enough stress na ang binibigay ng bayan sa pamilya ko, so huwag na.'"
Pagkatapos nito, pabirong kinuwento ni Kris, "Sinabi ko sa kanya na hindi naman puwedeng maging friends talaga ang guwapo at maganda nang hindi mabibigyan ng malisya.
"At tinawag ko na maganda ang sarili ko, take note!"
SEGUNDA MANO. Nang kumustahin ng mga miyembro ng media ang kanyang ginagawang horror-suspense movie kasama si Dingdong Dantes, inamin ni Kris na mahirap ang ginagawa nila ngayon.




0

