Joross Gamboa on working with Nora Aunor: "Okay na, isang malaking accomplishment na ito sa akin."

Rommel L. Gonzales
Friday, January 06, 2012 @ 06:19PM  |  1195 views


Nakapagtrabaho na si Joross Gamboa sa tatlong top networks. Ano ang pagkakaiba nila? "Actually they are all the same. It depends rin sa mga nakakatrabaho mo. Siyempre kahit same network, tapos ang nakakatrabaho mo iba-ibang tao siyempre panibagong atake iyon, panibagong... depende rin sa role mo. So, sa akin naman ang tingin ko is work, na may iba't-iba kang nakakatrabaho and kasama iyon sa trabaho," he says.

Photo By: Mark Pimentel













Nakausap ng PEP.ph si Joross Gamboa sa presscon at red-carpet premiere ng TV5 miniserye, Sa Ngalan Ng Ina, last Thursday, September 22, sa Cinema 2 ng SM The Block.

Ang una naming kinumusta kay Joross ay what it's like to work with the Superstar, Miss Nora Aunor.

"Sobrang ano, sobrang overwhelming talaga! Masayang-masaya ako na mapasama dito sa miniserye na ito.  Okay na, isang malaking accomplishment na ito sa akin."

Gumanagap si Joross sa Sa Ngalan ng Ina bilang si Ramoncito na boyfriend ni Andrea Deogracias na ginagampanan ni Nadine Samonte.

"Ako yung parang pinagpipilian niya, kung ako o yung career niya."

Very ironic na produkto si Joross ng Star Circle Quest ng ABS-CBN at si Nadine ay produkto ng StarStruck ng GMA, at ngayon ay pareho silang nagtatrabaho para sa TV5.

"Oo nga," ang natatawang reaksyon ni Joross. "Ayun, masaya naman. At least nakakatrabaho ko ang iba't-ibang tao, natututo naman ako sa bawat isa sa kanila."

Hindi raw exclusive contract star ng Kapatid network si Joross.

"Actually freelancer po ako, e."

Bukod kina Joross, Nadine at ate Guy bilang Elena Deogracias, kasama Sa Ngalan Ng Ina sina Christopher de Leon bilang Pepe Ilustre; Rosanna Roces as Lucia Ilustre; at sina Ian de Leon, Alwyn Uytingco, Edgar Allan Guzman, Eula Caballero, Karel Marquez, Jay Aquitania, at may special participation naman sina Eugene Domingo at Bembol Roco.

Mapapanood ang Sa Ngalan Ng Ina simula sa October 3 pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.

NETWORK HOPPING. Bago ang nabanggit na miniserye, naging busy si Joross sa...

"Nag-ano, nag-2 tapos nag-7, tapos nag-2, tapos nag-5. May ginawa ako sa 2, yung Hiyas.

"Hindi pa napapalabas, pero tapos na ako mag-taping, nasa can na siya.

Sa GMA naman, ang huling ginawa ni Joross ay...


"Yung kami ni Jackie Rice ang magka-partner, yung [Dear Friend Presents] Tisay."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name