Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Herras sa taping ng dance-seryeng Time of My Life, sa Studio 7 ng GMA Network, kahapon, October 6.
Una naming tinanong kay Mark ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.
"Masaya, masaya. Okay naman kami," masayang sambit niya.
"We're happy, and kahit pareho kaming busy sa work, naghahanap pa rin kami ng time for each other.
"So, ayun, we find... we find time."
Ano ba ang madalas na bonding moments nila together?
"Movie, movie," mabilis na tugon ng binata.
Anong mga genre ng movie ang madalas nilang pinapanood?
"Pag ako, nando'n yung comedy, nando'n yung medyo... Actually hindi naman masyadong action, parang yung mga Transformers, gano'n.
"Pero minsan, meron din siya [Ynna], may mga love... love story movies.
"Mostly pag may nakita kaming maganda, pinaplano namin, 'O, panoorin natin 'yan!'
"Basta hindi kami nawawalan ng oras, saka siyempre communication."
Gaano na ba sila katagal?
"Turning four years sa January [2012]," sabi ni Mark.
Paano nila napatagal at napatatag nang ganito ang relasyon nila?




0

