Marami ang naiintriga kung bakit laging nagbibiro si Batangas Governor Vilma Santos na "babaero" ang panganay niyang anak na si Luis Manzano.
Natanong tuloy ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Star For All Seasons, in a recent interview, kung babaero nga bang talaga ang actor-TV host.
"Ano lang siya... mahilig magkagusto sa babae!" natawang sagot ng actress-politician.
"Hindi naman siya babaero, kasi kapag nagmahal ang anak ko, grabe rin, e.
"Nakikita ko 'yon, e. Siguro nakikita n'yo rin.
"'Yan [Luis], to the point kapag nagmahal 'yan ng babae, pupuntahan ka kahit saan. Dadalhan ka niya ng pagkain. Lahat ng kaya niyang ibigay.
"Basta kapag nagmahal siya, grabe! Dahil siguro napaka-emosyon niyang tao.
"Kaya kung minsan, kapag nasasaktan siya, grabe rin.
"Kaya lang, siguro kaya gano'n, naghahanap siya kaagad ng puwede siyang lumigaya. Gano'n.
"Pero ako, hindi ako naba-bother. Kasi binata naman ang anak ko, e, di ba?
"As long as marunong kang magmahal. Marunong kang rumespeto. Hindi ako naba-bother kasi binata siya.
"Baka naman later on... bayaan mong mag-enjoy. Para kapag nag-asawa, sawa na."
Dagdga pa ni Ate Vi, "Mabait ang anak ko. Sobra.
"Kaya minsan, kapag meron ding tumitira sa kanya, tahimik ako. Pero siyempre, nasasaktan ang nanay. Oo.
"Pero huwag lang sobra-sobra, kasi aalma rin ako.




0

