Si Katrina Halili ay minsan na rin dumaan sa isang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan. Hindi maiiwasang mahingan siya ng reaksiyon sa isyu na kinasasangkutan ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos. Kasalukuyang umiikot sa Internet ang isang video diary ng ex-boyfriend ni Rhian na si Mo Twister na may masasamang alegasyon. Katrina says: "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin? Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?"

Photo: Noel Orsal


 
Kung titingnan si Katrina Halili ngayon, masasabing naka-recover na rin siya talaga sa nangyaring eskandalo dulot ng sex video nila noon ni Hayden Kho. 

Isa si Katrina sa mga nakisayang Kapuso star sa ginanap na GMA-7 press party noong December 7 sa Studio 6 ng GMA annex.

At dahil si Katrina nga ang minsan na rin dumaan sa ilang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan, hindi maiiwasang mahingan din siya ng reaksiyon sa isyu naman na kinasasangkutan ngayon ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos.

Ayon naman kay Katrina, "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin?

"Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?

"Hindi mo rin alam ang gagawin mo.  So, para kang mababaliw.

"So, sana, maging strong lang siya. 

"Sabi ko nga, kapag nalampasan niya ito, at least, mapupunta na siya sa next life niya. 

"Magiging iba na, 'di ba?  Kailangan lang talaga niyang tapusin 'yung stage na 'yun."

STRONGER PERSON. Kung ihahalintulad nga raw kay Katrina, ngayon ay "stronger person" na siya dahil na rin sa mga pinagdaanan niya.

"Oo, ngayon, sa mga nangyari sa akin, masasabi kong closed book na ang Book 1 ko.

"Book 2 na ko.  Kahit anong sabihin sa akin, dedma na ko."


          
Kung sa binago, marami raw talagang binago sa kanya ng mga nangyari.

Ayon pa kay Kat, "Mga pananaw ko, kung paano ko mag-trabaho.

"Kung paano ko kumilos, kung paano ko mag-isip.

"Kung paano ko mangarap, kung paano lahat.