Si Katrina Halili ay minsan na rin dumaan sa isang scandal dulot ng mga video na malayang naa-upload at napapanood ng karamihan. Hindi maiiwasang mahingan siya ng reaksiyon sa isyu na kinasasangkutan ng kapwa Kapuso artist niya na si Rhian Ramos. Kasalukuyang umiikot sa Internet ang isang video diary ng ex-boyfriend ni Rhian na si Mo Twister na may masasamang alegasyon. Katrina says: "Wala, naaawa ako sa kanya. Kahit naman tayo ang mapunta sa ganoong situwasyon, ano ang gagawin natin? Kahit anong bagay ang ginawa natin, 'di ba, kailangan pa bang ilabas?"

Photo: Noel Orsal

"As in, para kong rebirth."

Ngayong Kapaskuhan, dito lang daw siya sa Manila si Katrina.  Wala muna raw siyang planong umuwi ng Palawan.

May bago rin kasi siyang tine-tape na primetime series, ang My Beloved.     

"Matagal akong walang work, e. Munting Heredera pa ang last.  So, work lang ako ngayong Christmas. 

"Actually, nag-aral din ako. Nag-meat processing ako.

"Wala lang...kasi, nag-e-enjoy akong magluto-luto sa bahay. 

"So, nag-crash course ako. Mabilis lang. Nag-aral ako ng [paggawa ng] mga tocino, embutido."


Plano ba niyang mag-business?

"Hindi pa naman, gumagawa lang, personal lang. 

"At saka, gusto ko rin siyempre na makatulong sa family ko, mga pinsan ko, puwede naman nilang gawin, 'di ba?"

GETTING TO KNOW HERSELF. Ang 2011 raw, ang naging focus ay trabaho niya.

Sa 2012 raw, gusto naman niya, makapag-focus sa ibang bagay.

Katwiran niya, "Siguro kasi, itong year na ito, ito 'yung hinanap ko ang sarili ko.

"Siguro next year, doon ko ilalabas kung ano ang meron ako. 

"Siguro rin kasi, ini-analyze ko kung ano ang meron sa sarili ko. Parang hinanap ko lang din. 

"Kaya rin hindi ako makapunta sa Gabriela. Kasi, 'yun din ang gusto ko, 'yung counseling.