Puring-puri ng veteran actress na si Nova Villa ang bida ng Tiagong Akyat na si Gerald Anderson. Ang young actor ang siyang magbubuwena mano sa mga characters na ginampanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr., na siyang mga tampok sa bagong serye ng ABS-CBN na Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla. Mapapanood na ito sa August 15.
Si Gerald ang gaganap sa modernong bersyon ng Tiagong Akyat. Ina-inahang umampon naman kay Gerald ang papel na ginagampanan ni Nova.
"Ang comedy ko, very, very light. Kasi ako yung nanay ni Jayson [Gainza] na isang pari. And then, adopted ko si Gerald nung mamatay ang parents niya nung na-murder. So, masaya kami sa bahay, ganun. So, yun ang comedy roon," panimula muna ni Nova nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
GERALD FAN. Hindi pa raw niya nakakaeksena ang lahat ng kasama sa cast. Mas madalas raw niyang kaeksena si Gerald na nasubaybayan niya ang career mula nang nasa Pinoy Big Brother Teen Edition pa lang ito hanggang sa Tayong Dalawa.
"Up to now, ang pinapanood ko yung Tayong Dalawa. Itong sina Arron [Villena], nakikita ko na sumasayaw sa TV. So, yun ang recall. And then, natutuwa ako sa kanya. Maliit pa siya noon. Ngayon binatilyo na."
Sa palagay ba niya nag-improve na si Gerald sa pag-arte?
"Ah, yes. Malaki ang in-improve because, as I've said, nasundan ko yung umpisa niya noon. Hirap pa 'yang mag-Tagalog kasi Amerikano 'yan, e. English-speaking 'yan. Kita mo nga ngayon, medyo slang-slang pa. But naka-focus yung bata. Talagang he wants to be an actor siguro. Nag-aral. Magaling nang mag-Tagalog. And even yung kanyang akting mas may lalim. Malalim na."
45 YEARS AND COUNTING. Umabot na sa 35 taon si Nova sa paglabas sa mga shows ng ABS-CBN. Dati raw ay may exclusive contract siya sa Kapamilya network. Pero ngayon nakakontrata na raw sila per show. Pero kung tutuusin, mahigit na sa apat na dekada si Nova bilang artista.
"Ano...45 years, since 1964. Kasabayan ko?
"Actually, parang sina Gina Pareño. Pero nauna pa ako roon. Kasi una, nag-Sampaguita ako, mga supo-supporting and then, kinontrak na ako ni FPJ, ke Fernando Poe Jr. 'Tapos after one year or two years...or one year? Yun namang Stars 66, sina Gina sa Sampaguita, Shirley Moreno, Sarah Calvin...
"Ni-launch ako ng FPJ Productions sa Daniel Barrion my first movie with FPJ. Daniel Barrion, Baril na Ginto...ganyan. Ang FPJ kasi tatlo ang company niyan. Merong Dlanor, si Ronald 'yan."
Ronald Allan Poe ang tunay na pangalan ni FPJ.
"Nakalimutan ko pa yung isa. Merong ginagawa ang Dlanor like yung Mahiwagang Daigdig ng Pantasya. Kami ni Dolphy yun."
Tinapos ni Nova ang kontrata niya sa FPJ Productions sa loob ng tatlong taon.
"And then I became a freelancer. 'Tapos television na, ABS-CBN. Doon pa sa Roxas Boulevard. Panahon pa ng mga Mahiwagang Daigdig ni Doray. Kami ni Nida Blanca...Buhay Artista [TV show nina Dophy at late comedian Panchito]."





untilthen
January 25, 2010
00:04 AM Bakit kaya ayaw aminin ni Nova? At saka sino ang ama ng nag iisang anak niya?
_________________________
hay naku! try mo kaya magbasa ng article noh! ang ama nung anak niyang babae ay un asawa niya na si Freddie Gallegos....aysus!
TOTOO NAMAN PO KASI WAG NA IPAG KAILA AND YOU HAVE TO BE PROUD
Sana naman mag-produce and ABS-CBN ng project para kay Nova Villa. She's still beautiful and capable of acting and she has good sense of humor.
Ilang taon kang niloko, tapos mahal mo pa? Di ba isa syang T?