Pia Moran, the Body Language of the '80s, says she still has her dancing shoes, but appearing on mini-TV series is what's keeping her busy nowadays. Pia has so far starred in over ten movies since her career was launched in the late '70s. Photo: Noel Orsal

  

Bakas pa rin ang kagandahan sa mukha ni Pia Moran—ang tinaguriang Body Language ng local showbiz—sa kabila ng hindi maitagong peklat pagkatapos ng isang aksidente noon.

 

Kung ginusto raw niya, naidemanda niya sana ang doktor na ‘gumawa' ng kanyang mukha matapos mabangga ang kanyang sasakyan patungo sa Broadcast City noong 1987.

 

"Nakagat ko ‘yung labi ko sa lakas ng pagkabangga ng kotse ko, eh. Naoperahan naman pero hindi na naibalik nung doktor na tuluyang humiwa sa naging sugat ko ang lahat. Kaya, ‘eto, naging malaking peklat na lang siya."

  

Sabi naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pia, nakakadagdag pa nga ng karakter sa mukha niya ang kanyang peklat.

 

Nagkuwento si Pia: "Kung sinunod ko siguro ‘yung hunch ko that time, puwedeng hindi ako naaksidente. Kasi, the night before, nilalagnat na ako at masama ang pakiramdam. Pero kailangan kong pumunta dun sa Celebrity Pow. Nung gabi pa lang, nagpaabiso na ako na hindi ako puwede pero kailangan daw ako talagang pumunta. Kaya, nung paggising ko pa lang the following day, iba na ang pakiramdam ko. ‘Yun na pala ang mangyayari..."

  

Nagbago ang takbo ng kanyang flourishing career noon dahil sa nasabing aksidente.

 

"Because of that accident, ilang years din akong natengga. And in 1994, nagpunta ako sa Paris, France. Meron akong friend na taga-UNESCO at in-invite niya ako na pumunta doon." 

 

Sa City of Lights, nakatagpo siya ng isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso.

 

"Kaya lang, siguro, dahil may iba pa akong mga gustong gawin sa buhay ko, hindi ko inasikaso ang papers ko para makapag-stay doon with him. Although nung simula, maayos na sana kami. When I came home, naputol ang communications namin dahil merong pumagitna, alam mo na, ‘yung pumigil sa pagpapatuloy ng relasyon." 

 

"Depressed na depressed ako noon kahit na matagal na akong naaksidente. Dumagdag pa na nawala ang boyfriend ko. So, tinanggap ko na lang na hindi rin kami meant to be. Hiwalay na lang. Actually, may nakakuha kasi sa akin ng number niya kaya nawala na," ang kuwento ni Pia.

 

Fifteen years rin daw siyang nawala sa limelight. Mula 1992.

  

"Bumabalik-balik naman ako pero paisa-isang labas lang. Ang pinaka-last movie ko bago ako mag-stop nang matagal na panahon was with Palito. I think, Rambuto ‘ata ‘yon. Ako ang leading lady niya. Tapos, nakabalik-balik naman ako sa Milan na, then sa You Got Me, ‘tapos guesting sa TV, sa Ikaw ang Lahat sa Akin, sa Game Ka Na Ba, marami pa. Pero pawala-wala pa rin ako after...Naging suki lang ako ng Channel 2 through Freddie Bautista."

 

During Pia's heyday as the favorite leading lady of Redford White and Bukang Liwayway Films, pati na rin ni George Javier-nagkaroon siya ng long-time relationship kay Greggy Liwag, ang kasabayan niyang aktor noon. Hindi sila nagkatuluyan. Hindi sila nagkaanak. Hindi na rin lumagay sa tahimik si Pia.

  

Paliwanag niya, "Nagkataon na lang siguro na hindi na ako nag-asawa. Hindi naman siya by choice. Gano'n lang talaga. Ako na rin kasi ang nag-asikaso sa Mommy, eh. May pamilya ng lahat ang mga kapatid ko."

 

Ilang taon ba kayong nagkasama ni Greggy at bakit hindi kayo nagkatuluyan? Snippets of the past come to our mind dahil naging malaking news din naman ang pagpapakasal ni Greggy sa naging girlfriend nito after Pia, na si Cita Capuyon. 

 

"Hindi lang siguro rin kami meant to be. Napapag-usapan naman namin noon ang kasal pero siguro, hindi ko pa lang feel that time. Then, bigla siyang nagkaroon ng Cita. Kaya sabi ko sa kanya, sige doon na siya. So, naghiwalay na kami.

 

"Aaminin ko noon, muntik na kaming magka-baby ni Greggy. Nabuntis ako. Pero hindi ko itinuloy, kasi, may career ako, eh. At pareho naman naming naging desisyon ‘yon. Wala rin siyang magawa."

  

Naging usap-usapan ito noon sa blind item columns at ngayon lang nagsalita si Pia about it. Bakit?

 

"Inihingi ko na ng tawad ‘yon sa Panginoon. At ngayon, nilalakasan kong mabuti ang kapit ko sa Kanya. Si Lord na lang ang bahala kung ano ang ibibigay Niya sa akin sa patuloy ko pang magiging kapalaran sa buhay ko ngayon. Happy na rin ako sa buhay ko ngayon, tahimik. Kung bibigyan pa ako ni Lord ng isa pang pagkakataon at this stage, ‘yung mga nawala sa akin, tatanggapin ko. Pero kung wala na talaga, kuntento na ako kung ano ako at meron ngayon." 

 

All those years na hindi na siya nagpatuloy sa kanyang pag-a-artista, ano ang pinagkaabalahan ni Pia?

 

"Nag-alaga ng baboy. Oo, totoo ‘yun. Meron kaming piggery at saka meron din kaming tindahan. Sinamahan ko si Mommy sa kanyang pagtanda do'n sa Novaliches. Ako ang youngest sa aming magkakapatid. Tapos, na-meet ko nga si Freddie tapos sabi niya sa akin puwede pa rin daw akong lumabas sa TV at saka sa pelikula kaya nakabalik uli ako ngayon," sabi niya.

  

At sa itatampok na Love Spell for this month-sa "Bumalaka, Bumalakaw, Boom"-featuring "Pinoy Big Brother" winners Gee-Ann Abrahan, Bodie Cruz and Mickey Perz, si Pia ang gaganap sa papel na nanay ni Bodie at mister niya ang real-life dad ni Bodie na si Tirso Cruz III, as Guy and Pete.

 

If Pia would be asked to put on her dancing shoes once again, mapapangatawanan pa rin kaya niya ang naging tatak niya in the ‘80s as the Body Language?

 

"Nag-Shall We Dance na ako. Ang mga kalaban ko, sina Spencer Reyes and Dinno Guevarra. Dapat ‘ata sa U Can Dance rin. I heard nag-back out si Sugar Mercado. Kami ‘ata dapat ang magkasama. Pero sayaw, kaya pa rin naman," pagtatapos ni Pia.