Ilang buwan pa lamang ang nakararaan nang ipakilala ang The Hitmakers—sina Rico J. Puno, Rey Valera, No noy Zuniga, at Marco Sison—bilang bagong hosts ng noontime show na Pilipinas Win na Win.
Noong Oktubre 4, nang una silang lumabas sa programa, aminado ang mang-aawit na si Rico na bagaman kilala na sila sa larangan ng musika, bago pa rin kung tutuusin ang trabaho na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN.
Subalit tila hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang apat na ipakita ang kanilang kakayahang mag-host dahil mawawala na sa ere bago matapos ang taon ang Pilipinas Win na Win, na nagsimula lamang noong Hulyo 31. (CLICK HERE to read related article).
Sa mahigit dalawang buwan na pagho-host masasabi naman ng grupo na nasiyahan sila sa kanilang pamamalagi sa PWW.
LIMITED EXPOSURE. Ngunit hindi itinago ni Rey na nakulangan din siya sa ibinigay na exposure sa kanila.
Sa panayam sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference para sa concert ng The Hitmakers at ni Kuh Ledesma kamakailan, sinabi ng singer-songwriter na hindi nila lubusang naipakita kung ano ang puwede nilang ibigay sa programa.
"Sa ABS-CBN, wala akong masasabi financially, thank you very much. Pero dahil sa iksi nga ng programa, ni hindi kami ma-try man lang.... di kami makabuo ng kanta dahil maiksi ang time.
"So, kung sasabihin mong satisfied, of course, not. Pero financial-wise, okay 'yon.
"Pero kung tanong mo sa akin may problema, yes, meron. Pero what can we do? It's not within our power to lengthen it. It is a management decision," sabi ni Rey.
Gayunpaman, natutuwa si Marco dahil sa pamamagitan ng PWW ay naipakilala sila sa bagong henerasyon.
"We're only on our third month, so, I don't think we're already established as far as hosting is concerned. We're not even tested yet. Kasi, wala pa, e. wala pa talaga. We're still learning, nangangapa pa kami as far as hosting is concerned.
"At saka iba ang TV," patuloy ni Marco. "Sabi nga ni Rey, hindi kami sumikat gawa ng TV. So, talagang it's a different world. Kami ang na-surprise dito sa ginagawa namin. Pero, why not? We're open to other opportunity and challenge.
"Iba kasi talaga ang medium ngayon, TV na talaga. Unlike before, 'yong generation namin, hindi gano'n. So, bagong mukha pa rin kami pagdating sa generation na ito. We are representing our generation, marami pa 'yon. Although mas marami ang bata, marami pa rin kami.
"So, what we're trying to woo actually are the generation now, the younger generation. Sa tingin ko, hindi naman kami maiiwan pagdating sa mga gano'n kasi we've paid our dues as far as this business is concerned. Meron din naman kaming talent. We have more to offer besides our age," pahayag ni Marco.
FRIENDSHIP OVER THE YEARS. Bagamat patapos na ang kanilang trabaho bilang hosts ng daily show na Pilipinas Win na Win, hindi ibig sabihin nito na matatapos na rin ang samahan ng The Hitmakers.






saka na nila isipin ang ratings. ang mga sponsor naman kusa na lang lalapit yan pag established na ang show.
akala kasi nila KRIS and BINOE is their saving grace to save WOWOWEE's show. sad to say hindi pala
kulang talaga sila ng konting eksperimento.
Hindi nila nasubukang ilabas kung anung meron sila... on the other side, para silang mga Pulang Lupa na sinisiksik sa isang hulmahan para ipalit sa nawalang wawawi.
haaaayss. abs, nanghihinayang parin sa wawawi at kay wili.
How will the OFW's will accept it is I don't know. As if being a TFC subscriber now is useless.