Nang tawagin ang pangalan ni Coco Martin bilang Movie Actor of the Year winner sa PMPC Star Awards For Movies na ginanap last Tuesday, June 21, umalingawngaw ang malakas na sigawan ng fans at ng iba pang naroon sa loob ng Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.
It seems like everybody expected na siya ang mananalo para sa mahusay niyang performance sa indie film na Noy.
Siyempre pa, sobra ang kaligayahang naramdaman ng aktor nang umakyat sa stage para tanggapin ang napanalunang panibagong acting trophy, which he shared with fellow nominees na sina Christopher de Leon for Sa 'Yo Lamang, Baron Geisler for Donor, John Lloyd Cruz for Miss You Like Crazy, Yul Servo for Rosario, and Fanny Serrano for Tarima.
"Napakaraming recognition na dumarating ngayon sa buhay ko, napakasaya!" sambit ng aktor nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) right after the awards night.
"Ang sarap ng pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang trabaho namin."
FROM INDIE TO MAINSTREAM. Unang nabigyan ng break at nakilala si Coco sa digital at independent films.
At sa unang buwelo pa lang niyang 'yon sa kanyang acting career, kinakitaan kaagad siya ng promise at galing bilang isang aktor.
Kasunod nito ay ang pagiging Kapamilya at sunud-sunod na paggawa na rin niya ng primetime series sa ABS-CBN.
And then, sa mainstream movies naman.
"Masaya talaga ang feeling ko na nare-recognize ako ngayon lalo na sa mainstream," sabi ng multi-awarded actor.
"'Yon talaga... eto na ang bunga ng mga pinaghirapan ko.
"Mula nang magsimula ako sa indie films, hanggang ngayon na may mga TV series ako, at sa mainstream movie."
Lie-low na kaya siya sa pagtanggap ng indie films at sa mga malalaking pelikula na siya magpu-focus?
"Sa akin naman, kung ano 'yong magandang proyektong io-offer sa akin, siyempre bakit ko naman tatanggihan?
"Lalo at gusto kong makatrabaho lahat ng magagaling na mga artista at direktor."




0

