Isa si Paulo Avelino sa mga artistang dumalo sa birthday party ng Regal matriarch na si Lily Monteverde kagabi, August 19, sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.
Siyempre pa, hindi pinalagpas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makausap ang young actor. Lalo na't isang malaking career move ang ginawa niya nitong linggong ito.
Noong August 15, Lunes, ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN ang dating Kapuso talent. (CLICK HERE to read related story.)
Nang tanungin kung ano mga nakasaad sa kontratang pinirmahan niya sa Kapamilya network, tumanggi ang StarStruck 4 alumnus na magbigay ng detalye.
"Pero it's a fair contract. Yun lang," matipid niyang sabi.
Nilinaw ni Paulo na wala siyang sama ng loob sa GMA-7, na naging home network niya sa loob ng limang taon. Gusto lamang daw niyang i-"reinvent" ang kanyang sarili.
"Never naman akong pinabayaan ng GMA-7," sabi ng 23-year-old actor.
"Nag-decide lang akong lumipat sa Kapamilya network to reinvent myself.
"Dun [GMA-7] na ako lumaki, kaya lang dumarating talaga sa point na kailangan mong gumawa ng move para sa career mo.
"And so far, ito na yung pinakamalaking move na ginawa ko—to reinvent myself."
KIM CHIU. Pero sinasabing isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon si Paulo na lumipat sa ABS-CBN ay para makatrabaho niya ang young actress na si Kim Chiu.
Inamin naman ito ni Paulo.
"Siyempre si Kim Chiu, hindi lang naman siya magandang mukha magaling din siya na aktres.
"Kaya siyempre, bilang nasa kabila ako at hindi ko pa nakakatrabaho yung....
"Ewan ko, si Kim Chiu talaga agad ang unang pumasok sa utak ko, e," sabi niya.




0

