Vilma Santos cites conflict of schedules as reason why her movie with Sharon Cuneta did not push through

Jimi Escala
Thursday, December 22, 2011 @ 02:30AM  |  92 views


  "May commitment talaga ako sa Star Cinema. In fact, modesty aside, may ibang offer. Hindi ko nga matanggap kasi hindi ako puwedeng gumawa ng marami, e. The one with Star Cinema is commitment iyon. Three movies iyon, e," says Batangas governor Vilma Santos about her latest film project.

Photo By: Allan Sancon













Halos buwan-buwan ay regular na bumibisita ang writer na ito sa governor's mansion ni Governor Vilma Santos-Recto sa Batangas.

Pero kahapon, August 10, ay nagulat ang actress-politician dahil may kasama kaming crew ng halos lahat ng TV networks.

Kaya naman agad nilinaw ni Governor Vi sa lahat ng bumisita sa kanyang reporters at TV crew na hindi iyon press conference, at huwag sanang intrigahin ang pagharap niya sa amin.

"Ang ayoko lang, e, baka maintriga na naman tayo. Mapagbintangan na nagpapa-prescon ako. Alam n'yo 'yan.

"Ang original plan naman talaga, e, yung grupo ng press na tumatawag sa akin. Pumapasyal sila sa akin madalas.

"Hindi po ito presscon, ha," paulit-ulit na paalala ni Ate Vi nang harapin niyang sabay-sabay ang lahat ng dumalaw sa kanyang reporters and TV crew.

Ipinaliwanag din ni Ate Vi na kaya hindi agad kami naharap ay nagtatrabaho siya at nagkataong may meeting siya with "COA officials."

MOVIE WITH KIM CHIU. Samantala, sinabi ni Ate Vi na malamang sa first week of September daw ay haharapin na niya ang shooting ng pelikulang The Healing ng Star Cinema.

Kinumpirma rin ng Star for All Seasons na si Kim Chiu ang makakasama niya sa pelikula.

Sa August 22 nga raw ay may story conference na sila para sa The Healing.

"Sana maumpisahan agad namin this September at tuluy-tuloy ito para maipalabas this year, o kung hindi naman early next year.

"Maganda ang movie. Horror and suspense movie ito na parang tungkol sa aftermath ng pagpapagamot sa probinsiya," saad ni Ate Vi.

Ipinaliwanag din ni Ate Vi kung bakit mas nabigyan niya ng panahon ang pagsasama nilang dalawa ni Kim sa pelikula kaysa planong pagsasama nilang dalawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

"Hindi nagkakasundo ang schedule namin," sabi niya.

"Kasi nag-a-adjust din sila sa schedule ko. Hindi naman kasi ako puwedeng gumawa anytime.

1  2  3  Next »

Related Articles

22 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name