Nilinaw ni Batangas governor Vilma Santos ang napabalitang siya ang first choice upang gumanap bilang Maria Agoncillo, ang second wife ni Emilio Aguinaldo, sa biopic na El Presidente.
Kasisimula lang ng shooting ng pelikula, at ito ang magisisilbing pagbabalik sa pag-arte ng karibal ng Star for All Seasons. Si Nora Aunor ang siyang pumalit diumano kay Vilma.
Si Laguna governor ER Ejercito naman ang gaganap sa papel ng unang pangulo ng Pilipinas,
Paliwanag ni Ate Vi, "Maliit na usapan lang 'yon na... ako ang pinili niya [Gov. ER] sana na gumanap doon.
"In fact, may tumawag sa akin na ako raw ang napag-uusapan do'n sa presscon, na ako nga raw ang gaganap na second wife.
"Sabi ko nga, 'Kailan 'yan?' Siyempre iyon ang aking unang tanong.
"Tapos sabi ko, 'Malabo.' Kasi, naka-commit nga ako sa Star Cinema.
"Sabi ko, 'Kung gagawin natin 'yan this year, definitely hindi ko na magagawa kasi nga, commitment ko is Star Cinema.'
"And I cannot do many films because of my job as the governor of Batangas.
"Kasi, at the end of the day, nakita n'yo naman noon, di ba? Tinitira rin ako?
"This is my second priority now, e, being a public servant.
"Medyo third nga ang show business.
"Maligayang-maligaya nga ako na kinu-consider pa rin ako ng show business. And I'm very thankful.
"So, malaking bagay sa akin 'yon.
"Kaya lang, kung sasabihin mong talagang full time, hindi e.




0

