2004 Elections: A Backtrack

Wells Avante
Sunday, February 18, 2007 @ 04:05PM  |  34 views

Noong May 2004 elections, isa si Bong Revilla sa mga artistang sumabak sa pagka-senador at pinalad naman siyang manalo. Ngayong May 2007 elections naman ay si Richard Gomez ang susubok. Magiging matagumpay rin kaya si Richard kagaya ni Bong?
Photo By: Noel Orsal













Katatapos lang ng filing period para sa nalalapit na May 2007 elections noong ika-12 ng Pebrero, at gaya noong nakaraang May 2004 elections, nagdagsaan muli ang mga artista sa COMELEC (Commission on Elections).

 

Bagama't inuulan ng batikos ang pagsabak ng showbiz personalities sa pulitika, hindi natitinag ang ating mga idolo na gustong maluklok sa puwesto.

 

Ating silipin muli ang mahabang listahan ng mga artistang nagnais manilbihan noong huling eleksiyon. Siyempre, ating maaalala ang pagtakbo ng yumaong Da King na si Fernando Poe, Jr., na ngayo'y idineklara na bilang isang Pambansang Alagad ng Sining.

 

POE FOR PRESIDENT. Nagdeklarang tatakbo sa pagka-Pangulo si FPJ noong Disyembre 2003. Naging mahigpit silang magkalaban ng noon ay incumbent at hanggang ngayon ay Pangulo pa rin ng Pilipinas na si Gloria Macapagal Arroyo.

 

Kilalang mailap si FPJ pagdating sa kanyang personal na buhay. Ngunit sa kanyang pagtakbo para sa pinakamataas na posisyon, lumitaw ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae—si Ronian Poe, anak niya sa dating aktres na si Ana Marin (Moral).

 

Ipinagdiinan din na hindi siya Pilipino dahil ang kanyang mga magulang ay may dugong dayuhan—ang kanyang inang si Elizabeth Kelley ay isang American citizen at ang kanyang ama na si Fernando Poe, Sr. ay isang Spanish national.

 

FROM ACTORS TO SENATORS. Sa Senado, sumabak naman ang tatlong action stars na sina Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada, at Lito Lapid. Kumpara kay FPJ, may kanya-kanyang karanasan na sa pulitika ang tatlo.

 

Bago naging senador si Bong Revilla ay nanilbihan muna siya bilang bise gobernador sa lalawigan ng Cavite. Taong 1998 noong siya ay nahalal na gobernador. Subalit hindi na niya napahaba pa ang kanyang termino dahil tinalo siya ng dating congressman na si Erineo "Ayong" Maliksi noong May 2001 elections.

 

Taong 2002 nang pamunuan niya ang Video Regulatory Board (VRB) sa krusada ng naturang tanggapan kontra audio and video piracy.

 

Samantala, si Jinggoy Estrada naman ay nagsimulang manilbihan bilang vice mayor ng San Juan sa edad na 25. Taong 1992, nahalal siya bilang mayor sa edad na 29. Ayon sa official website ng Senate of the Philippines (http://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/jestrada_bio.asp), siya ang pinakabatang na-elect na local chief executive sa buong bansa. Natapos ang kanyang termino bilang alkalde noong 2001.

 

Si Lito Lapid naman ay nagsimula sa pagiging bise gobernador ng Pampanga noong 1992. Sa sumunod na eleksiyon, nahalal siya bilang gobernador ng naturang lalawigan. Hinawakan niya ang posisyong ito sa loob ng siyam na taon—mula 1995 hanggang 2004.

 

Nag-file din ng candidacy ang beteranang aktres na si Boots Anson-Roa at ang dating beauty queen at aktres na si Pilar Pilapil.

 

MORE BIG NAMES IN THE LIST. Matapos ang termino niya bilang mayor ng Parañaque ay nag-file si Joey Marquez sa pagka-Kongresista laban kay Roilo Golez.

 

Sumabay rin sina Rey Malonzo (bago tumakbo sa pagka-kongresista ay nanilbihan muna bilang alkalde ng Kalookan), Mikey Arroyo na tumakbo sa pangalawang distrito ng Pampanga, at Lou Veloso na sa pang-anim na distrito ng Maynila naman sumubok.

 

Para sa pagka-bise gobernador, lumaban naman sina Imelda Papin sa Camarines Sur at Jestoni Alarcon sa Rizal.

 

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name