Rio Locsin remembers classic films with acclaimed directors

William Reyes
Wednesday, August 26, 2009 @ 11:30AM  |  76 views


"Yung edge ko kasi [sa iba pang aktres ngayon, award-winning man o hindi], nauna ako sa kanila. Nakatrabaho ko si Lino Brocka, si Ishmael Bernal," says Rio Locsin.

Photo By: Noel B. Orsal













Malaganap ang naging pagsubaybay ng publiko sa teleseryeng Kambal Sa Uma ng ABS-CBN. Tampok din sa programa ang orihinal na bidang aktres na gumanap sa pelikulang pinagbasehan ng afternoon series na ito, si Rio Locsin. Gumanap siyang ina ng kambal na ipinaglihi sa daga na ginampanan naman nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks.

 

Dahil nga sa tagumpay ng show, mae-extend ito hanggang sa katapusan ng Agosto. Nakatakda tuloy na magkaroon ng problema sa schedule si Rio dahil may dumating na offer sa kanya para sa isang pelikulang indie.

 

This month, ratsada si Rio sa pagtapos ng mga eksena niya sa digital-indie film na Si Baning, Si Maymay, at ang Asong si Bobo (para sa Cinema One Originals Filmfest sa November 2009) dahil nagtuluy-tuloy pa rin ang scheduled tapings niya for the drama series.

 

Sa malayong location shooting ng pelikula sa Lobo, Batangas  dumayo ang PEP (Philippine Entertainment Portal), upon the invitation of supervising producer Rica Arevalo.

 

In between takes, na-interview ng PEP si Rio, na isa sa maituturing na "reyna" ng pelikulang adult drama noong late 1970s hanggang '80s (with her launching picture Disgrasyada in 1979, directed by Elwood Perez).

 

Sa pelikula at telebisyon, may likas na "quiet charm" ang personalidad o karakter ni Rio. Nagpapa-sexy man noon sa pelikula, ang pribadong pagkatao'y hindi pa rin nasalaula. Kaya mataas ang pagtingin sa kanya ng mga kasamahan at dating nakatrabaho.

 

Sa interview ng PEP, lumutang ang ganitong katangian ng maganda at mahusay na aktres.

 

May kasimplehan ang pananaw ni Rio, sa pagiging artista niya hanggang sa kasalukuyang panahon. 'Ika nga, walang masyadong pananangan sa ego, walang hang-ups. Basta, trabaho lang nang trabaho.

 

"Ang katotohanan talaga," simula niya, "'pag may trabaho ka sa panahon na ito, mapalad ka na, o talagang blessed ka na. Kailangan talaga magpasalamat na hindi ka nawawalan ng trabaho..."

 

At lalong thankful si Rio dahil sa gitna ng kaabalahan niya sa telebisyon ay may dumating pang offer sa pelikula.

 

"Nakakatuwa naman na na-consider nila ako sa pelikulang ito na pambata," sabi niya, na nangingiti. "Kasi nga, schedule ko ang nagiging problema, e, nag-adjust sila, nag-adjust din naman ako."

 

Sa panulat at direksiyon ni Milo Tolentino (in his feature film debut), ang Si Baning... ay  isang mistulang "paanyaya" sa mga manonood na pasukin ang mundo ng mga musmos, sa likas nitong kagandahan at kabutihan.

 

Sa pamamagitan naman ni Rio—her producers and others on the set call her Ms. Rio—ay nabatid ng PEP ang iba pang detalye tungkol sa ginagawang pelikula.

 

Napaka-enthusiastic ni Ms. Rio sa ginawang pagtatrabaho. In fact, tinapos niya ang lahat ng kanyang eksena sa pelikula within four straight shooting days. She plays the mother of  Baning, na ginagampanan ng 8-year-old na si Gene Karley Largueza.

 

"Ipinapakita dito yung buhay ng mag-iina, na yung character ko, malilimutin," pagtukoy ni Rio. "Yung mga bida namin, mga bata, 'tsaka yung asong si Bobo [an askal, o asong kalye], na aso ng kapitbahay, si Domeng [played by Simon Ibarra].

 

1  2  3  4  Next »


13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name