features

Jen Rosendahl fondly recalls memorable moments with Viva Hot Babes
by Archie de Calma posted on February 18, 2010  STATS: 12164 Views | 16 Comments


  "To tell you the truth, maganda naman ang naging experience ko sa Viva Hot Babes. May mga naging pasaway. Yung iba, nagkaproblema. Pero sa akin, wala naman. Sobrang bata pa kami noon kaya may mga away-away. Kahit ganoon, that's part of it. Pag naiisip nga namin ngayon, para kaming mga gaga noon!" says Jen Rosendahl.

Photo By: Noel Orsal

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating Viva Hot Babes member na si Jen Rosendahl sa isang event kamakailan sa Ascend Super Club sa The Fort, Taguig. Naging bahagi si Jen ng isang celebrity auction kung saan may bidding sa female sexy stars na naroroon, at kung sino ang highest bidder, yun ang naka-date ng celebrity.

"Yung funds naman, for a good cause, for the Red Cross," banggit ni Jen. "Part of this event sina Juliana Palermo, Avi Siwa, Irish Contreras, and others."

Pagkatapos nito ay kinumusta namin ang kalagayan ni Jen sa showbiz ngayon.

"Wala na ako sa Viva Hot Babes," sabi niya. "Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa group, but I'm with GMA-7 na. You know naman, chumechever na lang ako nang solo noon pa. Wala na akong balita. Ang latest lang, si Andrea [del Rosario], ayun, pregnant na. Yung iba, more on family na muna.

"Eventually, babalik din sila na iba na ang gagawin. We can't be forever naman singing 'Bulaklak.' It's time to move on. Ibang gimmick na. Move ko na sa GMA na muna. The others, nag-abroad na lang.

"Nagkapangalan ako sa Viva Hot Babes at thankful ako doon. I really enjoyed it, being in a group, tapos performing. 'Bulaklak' reached platinum, huh! 'Basketbol' is another hit. Masaya na kami sa ganoon.

"To tell you the truth, maganda naman ang naging experience ko sa Viva Hot Babes. May mga naging pasaway. Yung iba, nagkaproblema. Pero sa akin, wala naman. Sobrang bata pa kami noon kaya may mga away-away. Kahit ganoon, that's part of it. Pag naiisip nga namin ngayon, para kaming mga gaga noon!" natatawang pagbabalik-tanaw ni Jen.

Nakaka-miss din yun at nakatulong kay Jen kaya hindi siya katulad ng ibang ex-Viva Hot Babes na magsasalita pa ng kung anu-anong reklamo at disappointment gayong nalusaw na ang grupo.

"Pero straightforward lang ako. May mga naka-misinterpret sa akin kaya ang sabi ng iba, pasaway daw ako. But I wasn't. Sa akin lang, kung hindi naman ako sisiraan at walang ginagawa sa aking masama ang isang tao, tahimik lang ako, e.

"If you don't like me, that's just fine ith me. Never akong gumawa ng masama. I have learned my lessons na just to shut up. Hindi na lang ako papatol," sabi ni Jen.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  shinin

    03/17/2010 | 10:24 PM
    sa totoo lang ang itsura ni jen sa tv, mukhang mabaho!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  isseymiyaki

    03/12/2010 | 12:29 AM
    i dont like you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  humandynamics

    03/10/2010 | 03:56 PM
    bubuka ang bulaklak sasara ang bulaklak, sabay ladlad ng cleavage. susmaryosep mabuti naman at natapos na ang nightmare sa phiippine tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  ampon

    02/19/2010 | 11:23 AM
    Okay lang yan Jen, basta may work go ka lang. Sa hirap ng buhay ngayon, need talaga ang madiskarte.

    Enjoy life bago mag asawa para mas maenjoy mo naman ang pagiging mommy at mrs.

    Magsipag lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  bigbother

    02/19/2010 | 10:55 AM
    in fairness, ito yung pinaka matino na sexy girl group. ang damin kayang nakilala dahil sa VHB. si sheree, jc parker, katya, maui, andrea, asia, kahit papaano, nakilala sila at nagkaraket dahil sa grupong ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  an2ni

    02/19/2010 | 08:01 AM
    the best ang viva hotbabes compare dun sa mga cheap na girl group na baywalk ek ek ba yun? hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  vivapinata

    02/19/2010 | 07:20 AM
    OO NGA SI katya santos at ilang viva hot babes sa mga beerhaus na lang namin nakikita nagsasayaw...si maui namn alam namin di a rin ummalis sa pagraraket pa booking pa rin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kagandahantalaga

    02/19/2010 | 06:00 AM
    si andrea del rosario ang ama ng baby nya ay ung naging ama rin ng anak ni Daisy Ramirez.. ung beauty queen.. parang may pagka-african ung guy.. althoug negosyante
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kadabarkads

    02/19/2010 | 05:29 AM
    maganda naman talaga siya. I saw her in person before - the type na pilit kinokopya ni pia guanio. Her girls may look fake but her face is perfect!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • margie_moran

    02/19/2010 | 04:02 AM
    kayo naman ...bkit naman mukhang kabayo? maganda naman sya ah? Bka nga maganda pa sya sa inyo....Peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • careermuna

    02/19/2010 | 12:12 AM
    si ASIA AGCAOLI na sabi bisex sya may asawa at anak na diba,??bf nya yata ibnag lahi,,si ANDREA DEL ROSARIO=sinong ama ng anak nya??alam ko si KATYA naman,chef na sya,,..SHREE-may asawa na at anak din kay GIAN MAGDANGAL,.JC PARKER-sana lang ikasal at maganda nag realsyon nila ni DANILO BARRIOS na may anak na sila,,,,,sana din,...magbalik showbiz sila,,kahit small roles lang diba..at least nakikita padin sila.....anyhow,...at sana maayos buhya nila,baka naman yung iba jan,,mistress o sira na lalo,,hahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jomydiaz

    02/18/2010 | 10:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako1746

    02/18/2010 | 08:43 PM
    nagkapangalan ka nga ba? kabayo look ka pa rin. at never kang sumikat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • swastika

    02/18/2010 | 07:07 PM
    And to think sa Dos bumaho ang pangalan ninyo...Tsk tsk tsk..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pusotisipmo

    02/18/2010 | 06:52 PM
    sa kanila love ko sina,,SHEEREE,.JC PARKER,,ANA LEAH JAVIER,.ANDREA DEL ROSARIO,..teka....sinong naging asawa ni andrea????sana nga lang lahat sila maayos ang buhay now,,at maayos ang lalakeng makakatuluyan sa buhay,,mahirap na.......diba...tama ka jen...b matured at tym to have a gud relationship wid god,...para di ka mawala jan..tamang trabaho lang naman...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    02/18/2010 | 05:33 PM
    ok. always mo nalang yang ma recall kac wala ng pag asang bumangao ulit ang biba hutbibs!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About