Though she couldn't say she's a lesbian, Superstar Nora Aunor, when asked if she thinks she's a bisexual, said: "Baka nga gano'n ako. Kung gano'n ako, masaya pa rin, di ba? At least, puwede ka kahit ano, 'yong gano'n."

Photo: YES! Magazine

Inamin ni Superstar Nora Aunor sa panayam sa kanya ng YES! na nagkaroon siya ng paghanga sa kanyang arch-rival na si Vilma Santos.

Ayon sa Superstar, dinalhan pa niya noon ng mga bulaklak ang Star For All Seasons at ngayo'y governor na ng Batangas City sa tinutuluyan nitong hotel.

Hinintay niya raw si Ate Vi sa lobby ng hotel, at nang makita siya nito ay pinaakyat siya sa kanyang hotel room.

"Hindi naman ako nagsalita!" natatawang kuwento ni Ate Guy sa YES!.

"Binigay ko lang 'yong roses, pero after ten minutes, alis na ako."

Pero giit niya, wala raw kaso ito sa kanila ni Ate Vi, na nakakatawanan pa nila tuwing maaalala nila ang insidenteng iyon.

NORA A LESBIAN? Matapos ang ginawang pagdalaw ni Ate Guy kay Ate Vi with flowers, naging malaking usapin ito sa entertainment press at kanyang mga tagahanga.

Dito nagsimulang isipin ng ilan na siya'y isang lesbian, bagay na hindi binigyang kumpirmasyon o pagtanggi ni Ate Guy.

Pero, hindi ito ang huling issue na ipinukol sa Superstar tungkol sa kaniyang kasarian.

Taong 2007 nang lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa diumano'y pagpapakasal ni Nora sa kanyang manager noon na si Norie Sayo, na isang lesbian. (CLICK HERE to read related story.)

Sa pananaw ni Ate Guy, kaya siya napag-iisipang lesbian ay dahil sa kanyang mga panglalaking gawain noon, tulad ng pagsabit sa tren para magbenta ng tubig.

Gayunman, hindi niya masabi kung siya nga ba'y lesbian.

Ngunit nang tanungin ng YES! kung sa tingin niya ba'y bisexual siya, ito ang naging sagot niya: "Baka nga gano'n ako.

"Kung gano'n ako, masaya pa rin, di ba?