[x]


  Joey de Leon on Eat Bulaga! beating around 25 noontime shows over the past 32 years: "E, yun ang importante diyan, e—yung patagalan. Nando'n ang labanan niyan, sa patagalan. Kaya ngayon lalo naming hindi inaano dahil ang tagal na namin, nag-ugat na kami. So, mahirap na."

Photo: Noel Orsal

"Passionate" naman ang salitang ginamit para kay Joey ng ilan pang kasamahan sa Eat Bulaga! na nakausap ni Jo-Ann.

Napag-usapan din na ang anak nina Eileen at Joey, si Jako de Leon, ang siyang naging photo editor ng libro. Kasama ito sa mga responsibilidad ni Jako bilang tagapamahala ng kabuuan ng design concept ng coffee table book.

Dalawang taon din ang inabot ng masinsinang pagbuo ng libro, at sa malaking bahagi ng panahong iyon, sabi ni Eileen na natatawa, halos hindi na nagamit na tirahan ang condo ng anak. Sa bahay nila uli umuwi si Jako.

Ito raw ay sa dahilang inilatag ni Jako sa kung saan-saang parte ng condo niya—mesa, aparador, dingding, sahig, kama—ang mga daan-daang litratong pagpipilian niya.

At marami nga sa mga ito ay sa sariling koleksyon ng ama nanggaling.

Sabi naman ni Joey sa PEP.ph: "I'm proud of my son, si Jako, dahil part siya nung nag-conceptualize nitong libro na 'to, e."

THOSE WHO WERE PART OF BULAGA. Ayon kay Joey, may inilaan din silang chapters para sa dalawang naging kasamahan nila sa Eat Bulaga! na pumanaw na—sina Rio Diaz at Francis Magalona.

Si Rio—kapatid ni Gloria Diaz at asawa ni Charlie Cojuangco, anak ng bilyonaryong si Danding Cojuangco—ay naging co-host ng programa noong 1991 hanggang sa kalagitnaan ng dekada.

Sumakabilang buhay si Rio dahil sa colon cancer noong October 4, 2004—bago ang silver anniversary ng Eat Bulaga!.

Si Francis M. naman ay naging bahagi ng programa noong unang bahagi ng 2000. Pumanaw ang rapper, singer, entrepreneur, at artista noong March 6, 2009, dahil sa leukemia.

Sabi ni Joey, "Minention namin mga games, lahat ng mga dumaan...naging mga co-hosts, mga babae't lalake.

"Nakalimutan ko na nga yung iba, e. Pati sila Derek Ramsay...oo, nag-host sa Bulaga! 'yan.

"Si Toni Gonzaga...lahat!

"Pati mga contestants, andami...sina Rosanna Roces, si Arnold Clavio..."

Sambit pa ni Joey, "Wala, e, hindi coffee table book sa akin 'to, e. Ito'y ano, e, book for all dinners...parang Vilma [Santos], a!