features

UPDATED Joey de Leon gets emotional as Eat Bulaga! launches book chronicling its first 30 years

by Erwin Santiago posted on January 13, 2012  STATS: 5419 Views | 74 Comments


  Joey de Leon on Eat Bulaga! beating around 25 noontime shows over the past 32 years: "E, yun ang importante diyan, e—yung patagalan. Nando'n ang labanan niyan, sa patagalan. Kaya ngayon lalo naming hindi inaano dahil ang tagal na namin, nag-ugat na kami. So, mahirap na."

Photo By: Noel Orsal

Hindi napigilang "bumigay" ni Joey de Leon sa launching ng coffee table book na Eat Bulaga! Ang Unang Tatlong Dekada, noong Huwebes, October 6, sa Whitespace, Chino Roces Ave. Extension, Makati City.

Bago magsimula ang speech at toast ni TAPE big boss Tony Tuviera ay panay pa ang biro ni Joey sa harapan ng stage.

Panay pa ang banggit niya sa founder ng Apple na si Steve Jobs, na pumanaw noong umagang 'yon.

Biro niya, bago raw nalagutan ng hininga si Steve Jobs, ito raw ang naging huling salita nito: "Magpapahinga na ako. Ang tarantadong Tito, Vic, at Joey, ayaw pa!"

Sundot pa ni Joey, "Mabuhay ka, Steve Jobs. Good job!"

Pero habang binabasa na ni Mr. Tuviera ang kanyang mensahe, kung saan binanggit nito ang dahilan ng pagiging matatag ng Eat Bulaga! sa loob ng mahigit tatlumpung taon, hindi na napigilan ni Joey ang mapaiyak habang niyayakap ang kanyang mga kasamahan.

Buwelta sa kanya tuloy ni Vic, "Pa-Steve Jobs, Steve Jobs ka pa, tapos iiyak ka lang pala!"

Pero maging sina Vic at Tito ay halatang nangingilid na rin ang mga luha. Yun nga lang, naudlot dahil nga sa pagpapatawa ni Vic.

Pagkatapos ng seremonyas ay nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey upang tanungin kung bakit ganoon na lamang siya kaemosyunal.

"Siyempre, ang saya mo, e. Wala, lagi naman kaming ganyan, e," sabi niya.

Siya ba yung iyakin sa kanilang tatlo nina Tito at Vic Sotto?

"Actually, lahat naman kami, e. Kaya lang, ako yung...mahirap pigilan, e. Nilalabas mo talaga, e.

"Lalabas 'yan tuwing may affairs, every five years...Wala, ganun talaga, e.

"Tsaka kahit sino naman, e."

COFFEE TABLE BOOK. Aminado si Joey na siya ang "pinaka-excited" sa launching ng Ang Unang Tatlong Dekada—ang librong sinulat ni Butch Francisco—na bahagi ng selebrasyon ng ika-32 anibersaryo ng longest-running show sa Pilipinas.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

74 Comments

  • 54  n9sapphire

    10/08/2011 | 07:22 PM
    walang pinagkaiba itong tao na to na nanglait kay shamcey na may twitter account na mc-gale feeling superior among the rests but only manifesting of being attention seeker KSP.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  n9sapphire

    10/08/2011 | 07:15 PM
    Really iamexaner? now who's being gullible, no other but u, so pathetic, what only matters with u is what other people's opinion. then you think you are witty your such an hypocrite. Just to be candid I am not a fan of EB or any other noontime shows, what EB has is a big achievement. nakapagpasaya at nakabigay sila sa ating mga kababayan so kaw anong nagawa mo sa iyong kapwa? panglait pabayaan mo sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  brentmania69

    10/08/2011 | 07:08 PM
    IAMEXAMINER---pa-HARVARD HARVARD ka pa jan...i-solve muna nila crisis ng bansa nilang AMERICA na papalubog na--ska lang ako bibilib sa HARVARD HARVARD ek ek na yan..o, eh di sila ang GULLIBLE, kc andami nilang maling desisyong, the dire consequences of which, eh pinaghihirapan nila ngayon..hay naku.. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  awiwik

    10/08/2011 | 06:22 PM
    kung tao ka nga at katabi kita..e..kinutusan na kita
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  awiwik

    10/08/2011 | 06:21 PM
    tao ba po si examiner?....nagtatanong lang po...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  cinelamour

    10/08/2011 | 06:03 PM
    wow as if alam na alam ni iamexamnir ang slapstick comedy at ang influenciya nito sa american comedy. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  Cutiepie2010

    10/08/2011 | 06:01 PM
    IVe beeb here in LONDON for long years, pero lumaki ako sa Eat Bulaga and my whole family and still watching EB.!! And very proud to say solid DABARKads po kami. Kababawan man ang tumawa., makiiyak at tumulong sa kapwa, proud kami sa Eat Bulaga. Aaronicks. About the cofee table book I am very interested aswell, me number na dapat tawagan ata. Ung isang pepster Kapal ng mukha ikumpara si Willie de vil sa TVJ.'!! Hinde po mag ka level pease lang.!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  cinelamour

    10/08/2011 | 06:00 PM
    katan9a-tan9a ka naman kung naghahanap ka ng kalaliman sa isang mababaw na paluntunan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  aaronick

    10/08/2011 | 04:58 PM
    Maiba naman po ako para sa ating mga EB supporters. Interesado ako dun sa kanilang COFFEE TABLE BOOK. Kanina habang nanunuod ako ng EB, binanggit ni Joey kung paano makakabili nung coffee table book. Baka alam niyo or natatandaan ninyo kung paano? Paki-share naman po sa mga interesado din dito. Salamat in advance...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  aaronick

    10/08/2011 | 04:54 PM
    Pakialam naman natin sa study ng Harvard eh mas kilala nating mga Pinoy ang mga sarili natin. Dun sa mga hindi kilala ang sarili nila, nalunod na sila ng kanilang ka-conyohan. Again, hayaan na po natin silang malunod sa kalaliman ng kanilang mga insecurities. At tayong secure sa ating kababawan, magsaya na lang tayo. Ang taong masaya ay ang taong tumatagal ang buhay. Kuha niyo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  aaronick

    10/08/2011 | 04:52 PM
    Pabayaan niyo na lang po si iamexaminer. Malalim kasi, baka nalunod na. Dito na lang tayo sa mababaw mag-enjoy at iwas lunod pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  dubai

    10/08/2011 | 03:40 PM
    iamexaminer ikaw b ay isang filipino o hindi san ka bang bansa tumitira lintek k at kung sabihan mo ang mga pinoy ay ganon n lng..dapat sa yo ay umalis k n l ng ng bansa at dalhin k sa somalia don k bagay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  iamexaminer

    10/08/2011 | 03:21 PM
    ... go ahead... defend the kababawan of Filipinos. Did you not know that PDI last year reported a study by Harvard that the FILIPINOS are the MOST GULLIBLE RACE? Yeah. Not proud of what EB has influenced in years.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  dati_tfc

    10/08/2011 | 02:29 PM
    yan ang joey de leon. tumatawa. nang aalaska. pumipinta, naglilok, songwriter, singer at dancer din, babaero din, nagsosorry kapag nagkakamali at..... umiiyak din katulad natin. totoong tao talaga 'pre... hanga talaga ako sa kanya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  moulder

    10/08/2011 | 02:21 PM
    Ang EB kasi tumatanda ng may pinag katandaan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  kapamskoo

    10/08/2011 | 02:14 PM
    mayaman din si vic sotto at joey de leon pero hindi mayabang, hindi nagyayabang. malay mo kung sino pa yung nagsisigaw ay dummy lang pala. ginamit lang pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  kapamskoo

    10/08/2011 | 02:11 PM
    napaka mayaman din ni vic sotto at joey de leon hindi lang sila mayabang. hindi kailangang ipagsigawan mo na mayaman kang tao. malay mo ang isang tao mayabang pero dummy lang pala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  rhiann3

    10/08/2011 | 01:50 PM
    Sa mga nagke claim dyan na MAS SIKAT and MAS MAYAMAN si WILLIE R. helllooooo!! how can you compare an ICON to that man.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  copycat2011

    10/08/2011 | 01:29 PM
    iamexaminer, kababawan ba na mapatawa nila ang milyong milyong pilipino araw araw? kababawan ba na napapasaya nila kahit in few seconds ang mga taong na nunuod sa kanila? kababawan ba na mabigyan ngiti at malimutan ang problema nang mga taong nanunuod at nakikitawa sa kanila araw araw? ang kababawan na naituturo nang EB is to stay humble. siguro your kind of person an boring ang personality , and i think mas mababaw ang comedy nang american .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  Clara Pastor

    10/08/2011 | 01:18 PM
    siguro kung magkakaroon ng guinnes world record sa patagalan ng tv variety shows nominate pwede nominate ang eat bulaga!32 years and until now no.1 pa rin ang show.congratulation eat bulaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About