Maliban sa bago niyang show, ang lumalagong eskuwelahan ni Camille Prats ang paksa ng interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Martes ng gabi, September 14, sa presscon ng bagong primetime series na Bantatay sa GMA-7.
Flattered si Camille na successful na siya bilang directress-owner ng Divine Angels Montessori, isang pribadong paaralan sa loob mismo ng subdivison nila sa Cainta, Rizal.
Pero nilinaw ng dating child star na hindi naman malaking-malaki ang kanyang eskuwelahan.
"Hindi super laki, ano lang, little by little," nakangiti niyang sabi.
"Ngayon, may Grade 2 na kami. Dati kasi, Prep lang kami. Every year, nagdadagdag."
Posible bang maging university ang kanyang eskuwelahan balang-araw?
"Naku, sana," sambit ni Camille. "Kung ibibigay ni Papa Jesus, why not?
"Pero ako, gusto ko lang grade school. Kung papalarin, high school. Hanggang doon na lang muna."
Binanggit din ni Camille na may mga gusto na raw mag-franchise ng kanyang school.
"Maraming nagtatanong sa akin. Pero actually, hindi ko pa masyadong mabuo yung franchise. Mahirap din kasing mag-gano'n kasi baka hindi ma-maintain yung [standard]."
Nilinaw ni Camille ang balitang nagpatayo raw siya ng building.
"Actually, yung building po kasi, existing na siya — office ng daddy ko," sabi niya. "Tapos, nag-move out po siya sa village.
"So, nabakante po yung building. Since nasa main road siya, it is a perfect location for a school.
"Ngayon po, ang number ng students namin ay 90 plus.
"Kasi po, mid-year na po, ang dami pang nag-e-enrol, ang daming lumilipat," masaya niyang pagbabalita.






congrats camille halos narating mo na gusto ng lahat..naging sikat ka noon at ngayon may happy family at may sarili pa school ganyan mababbait na tao lao pinagpapala good luck and God bless u and ur family
cnxa na medyo off topic pero nadismaya ako na c rocco ang leading man nina jennylyn at lovi. yuck! ang pandak at walang ibubuga sa acting. di ko nagustuhan ang performance nya nuon sa gumapang tapos magbibida pa c rocco. haler?? ang galing kaya ni jenn at lovi. kakainin lang siya ng buhay!