Totoy Bato cast members

Feb 18, 2009
Para kay Totoy, ang buhay ay isang mahabang laban. Sa murang edad, lalabanan nya ang pagmamalupit na daranasin sa kamay ng sariling ama. Bilang magsasaka, lalabanan niya ang mga pilit na mang-aagaw sa kaniyang maliit na bukirin. Bilang isang rebelde, lalabanan niya ang sistemang nagpahintulot na mawala ang lahat ng mahalaga para sa kaniya. At bilang boksingero, ipaglalaban niya ang karangalan.

Ngunit sa lahat ng paghihirap na pagdaraanan ni Totoy, isang laban ang susubok sa katatagan ng kaniyang loob, ang laban para sa kanilang pag-iibigan ni Anna.

Gaano katinding paghihirap ang kanyang kayang tiisin? Gaano kalaking balakid ang kaya niyang lampasan makasama lang ang babaeng kaniyang pinakamamahal?

Sundan ang matitinding laban na haharapin ni Totoy Bato simula ika-23 ng Pebrero sa GMA-7 Telebabad.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results