Video Credit: PEP Multimedia Team
Hindi raw iniisip ng Barangay Utakan hosts na sina Lourd de Veyra, Ramon Bautista, at Jun Sabayton kung magkano na ang naipamigay nilang papremyo sa mga sumali at nanalo sa kanilang show. Hindi lang kasi simpleng panty, bente pesos at tsitsaron lang ang mga papremyo sa show. Ang tunay na premyo ay ang pagtupad sa mga kahilingan ng mga barangay na nagsisali, tulad halimbawa ng pambili ng mga computer para sa barangay hall, mga upuan sa multipurpose hall ng barangay, o ang pagpapa-rubberize ng basketball court sa barangay.
Basta ang mahalaga raw para kina Lourd, Ramon, Jun at sa mga bumubuo ng show, makatulong at makapagpaligaya, "one barangay at a time."
Nai-share din ng magkakabarkada kung paano nila nalalaman kung matsutsugi na ang show na hawak nila.