Eugene Domingo excited about Michael V guesting in Dear Uge special episode

Guess where Eugene Domingo gets her hugot for her drama roles?
by Ruel J. Mendoza
May 25, 2019
Eugene Domingo (left) on Michael V's (right) upcoming guesting in Dear Uge: “Sa totoo lang, ito ang first time ko to work with Bitoy. Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkakasama sa anumang pelikula or even sa TV."
PHOTO/S: Dear Uge Facebook page

Sobrang excited na ibinalita ng Kapuso conedienne na si Eugene Domingo ang malapit nang paglabas ni Michael V sa isang special episode ng Dear Uge.

Nakapag-taping na raw si Bitoy at sobra silang natuwa sa pagpayag nitong mag-guest sa kanilang show.

“Nakakatuwa kasi napaunlakan ni Bitoy ang aming imbitasyon na maging guest sa Dear Uge.

“Sa totoo lang, ito ang first time ko to work with Bitoy.

“Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkakasama sa anumang pelikula or even sa TV.

“E, bilib na bilib ako kay Bitoy bilang isang komedyante, bilang writer, and an over-all creative person.

“Nagtaka rin ako kung bakit never pa kaming nakakapagtrabaho together.

“Kaya itong paglabas niya sa Dear Uge, isang special day talaga para sa aming lahat,” pahayag pa ni Uge nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dear Uge sa Barangay Mariana Hall sa Quezon City last May 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DEAL WITH BITOY

May special guest role naman daw si Uge sa pelikulang Family History na produced, written, directed at pinagbibidahan din ni Bitoy.

“Yun naman ang naging deal namin.

“Mag-guest ako sa movie niya, mag-guest din siya sa Dear Uge.

“Tsaka okey din naman ako na mag-guest sa show niyang Pepito Manaloto.

“Sabihin lang niya kung kelan at ipapaayos natin ang schedule natin para diyan,” ngiti pa ni Uge.

FOCUS ON COMEDY

More on comedy na raw ngayon si Uge at tumatanggi ito sa mga offers na gumawa nh teleserye at madramang pelikula.

Masaya na raw si Uge sa ginagawa niya sa Dear Uge dahil mas gusto raw niyang magpasaya ng mga televiewers.

“Mas gusto ko na lang mag-comedy.

“It’s always better to make people laugh. Sabi nga nila, laughter is the best medicine.

“Marami na tayong tinanggihan na drama roles sa TV at pelikula.

“Tama na yung nag-Barber’s Tale ako, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Todo na yon. Magpasaya na lang tayo ng tao.

“Kapag nag-drama kasi ako, di ako kumakain.

“Dun galing ang hugot ko, sa gutom ko.

“Kaya ayoko nang gawin iyon,” malakas na tawa ni Uge.

AWARDS AND MEMORABLE FIRSTS

Proud naman si Uge sa mga awards na natanggap ng Dear Uge sa tatlong taon nito sa GMA-7.

Kabilang dito ang Gawad Tanglaw as Best Comedy Show, Box-Office Entertainment Award as Comedy Actress of the Year at ang Catholic Mass Media Awards for Best Comedy Program.

“On our third year, nagpapasalamat kaming lahat sa mga nagbigay ng parangal sa Dear Uge.

“Nagsimula ito bilang experimento lang na naging mabenta sa marami.

“Sa Dear Uge mo lang mapapanood ang comic side ng mga artista natin na sanay mo nang mapanood sa drama...

“Tulad nila Yasmien Kurdi, Gladys Reyes, Glydel Mercado, Jean Garcia, Rocco Nacino, Jason Abalos, Angelu de Leon, Snooky Serna, Gabby Concepcion at maraming pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dito niyo lang sila mapapanood na nilalabas ang pagiging komedyante nila.

“Dito rin sa Dear Uge nakita ang magandang chemistry nila Jennylyn Mercado at Clint Bondad.

“Kaya magkasama sila ngayon sa Love You Two, di ba?

“Maraming first na nagaganap sa Dear Uge at kahit comedy, hindi nawawala ang important values ng pamilya, pagkakaibigan, magkakapitbahay, magkarelasyon.

“May aral sa bawat nakakatawang episode namin,” pagmamalaki pa ni Eugene.



Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eugene Domingo (left) on Michael V's (right) upcoming guesting in Dear Uge: “Sa totoo lang, ito ang first time ko to work with Bitoy. Matagal na kaming magkakilala, pero never pa pala kaming nagkakasama sa anumang pelikula or even sa TV."
PHOTO/S: Dear Uge Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results