Aicelle Santos returns to Rak of Aegis

by Ruel J. Mendoza
Jun 9, 2019
Aicelle Santos rejoins the cast of Rak of Aegis for its 7th season, to be staged at the PETA Theater from July 5 to September 29.

Masayang-masaya ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Pagkatapos ng kanyang one year stint bilang si Gigi Van Tranh sa Miss Saigon UK Tour, naging representative si Aicelle ng Pilipinas sa naganap na Asian Cultural Carnival in Beijing, China kunsaan nakasama niya ang higit 40 international entertainers mula sa iba't ibang bansa.

Noong nakaraang May 29, nakatanggap ng parangal si Aicelle mula sa 11th Philstage Gawad Buhay bilang Female Lead Performance in a Musical para sa pagganap niya bilang si Elsa sa Himala: Isang Musikal.

Heto ang pinost ni Aicelle sa kanyang Instagram account:

View this post on Instagram

Ang gampanan si Elsa at maging bahagi ng produksyong punong-puno ng puso at pagmamahal, sa harap at likod ng entablado ay napakalaki ng tagumpay at karangalan. Dagdag biyaya na po ang mga pangaral kagabi. PhilStage Gawad Buhay, maraming salamat!???? Sir Vince De Jesus, Sir Ricky Lee, Sir Joed Balsamo, Ed Lacson, kayo ang tunay na Himala! At sa buong Baryo Cupang, Sandbox, 9Works, pagpupugay po sa bawat isa sa inyo! Nagbunga ang pagpahid natin ng coconut oil at suka (ni Sandino)! Yakap ng mahigpit mga mahal!? All Glory To our God!???? Magbabalik kami sa September 2019! ?Best in Lighting Design ?Best in Costume Design ?Best in Set Design ?Best Director of a Musical ?Best Featured Actress in a Musical ?Best Actress in a Musical ?Best Ensemble Performance in a Musical ?Best Musical (Existing Material) ???? Tcel Maramag ???? @darylmaat #Himalaisangmusikal

A post shared by Aicelle Santos ???????? (@aicellesantos) on

Ngayon ay nagbabalik si Aicelle bilang Aileen sa long-running Pinoy musical ng PETA na Rak of Aegis na magsisimula on July 5 hanggang September 29, 2019.

Sa ika-7th season ng Rak of Aegis, makakasama ni Aicelle ang mga bagong addition sa cast na sina Kimberly Baluzo, Randy Santiago, Noel Cabangon, Bayang Barrios, Jenine Desiderio, Leah Patricio Yumi Lacsamana, Ashe Uy, Marynor Madamesila, Lemuel Silvestre, Gerald Dy at ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓



Read Next
Read More Stories About
Aicelle Santos, Rak of Aegis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aicelle Santos rejoins the cast of Rak of Aegis for its 7th season, to be staged at the PETA Theater from July 5 to September 29.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results