GORGY RULA: Kahit malakas ang ulan, napuno ng fans ang South Park sa Alabang nitong Hunyo 29, Sabado, ng gabi, kung saan ginanap ang Grand Fan Meet ng pelikulang Hello, Love, Goodbye.
Magkakasabay na dumating ang cast ng naturang pelikula na pinangunahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Naunang nag-perform si Joross Gamboa na paborito ni Direk Cathy Garcia-Molina.
Sumunod sina Kakai Bautista at Maymay Entrata.
Si Alden muna ang kumanta at sumunod si Kathryn, saka nag-duet sila ng kantang "Kung Di Rin Lang Ikaw" ng December Avenue.
Pagkatapos ng kanilang song number, tinawag lahat ng cast para sa group selfie kasama ang fans.
Namigay din sila ng posters. Nakapamili pa ang fans ng movie merchandise gaya ng shirts, mugs, sweatshirts, na kung saan nabigyan sila ng chance na makapagpa-picture sa cast ng movie.
Mahigit isang oras ding napasaya ng cast ang mga taong nanood.
Ito ang kanilang first mall show para sa promo ng pelikula. Doon na rin nila in-announce na sa Lunes, July 1, ay mapapanood na ang full trailer nito.
JERRY OLEA: Teaser pa lang ng Hello, Love, Goodbye ay nabulabog na ang fans. May mall tour sina Kathryn at Alden sa Hulyo 14, Linggo, 4 p.m. sa Activity Area ng Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City.
May pasiklab din ang HLG sa Hulyo 20, Sabado, 7 p.m., sa Skydome ng SM North EDSA.
Movie event ang pagtatanghal ng KathDen movie, at inaasahan nating blockbuster ito.
NOEL FERRER: It seems like this film is the next movie event of the season. But it might be too early to say if it will surpass the records set by the KathNiel tandem. But, of course, we wish them all the best! Kitang-kita mo ang sigasig ng lahat sa pagpo-promote. May their hard work be rewarded!