Will Janine Gutierrez and Edgar Allan Guzman end up together for Dragon Lady finale?

by Rommel Gonzales
Jul 13, 2019
Janine Gutierrez (center) will miss working with Dragon Lady co-star Edgar Allan Guzman (right) when the GMA-7 teleserye ends its extended run on July 20, 2019.

Naka-ilang extend ang Dragon Lady ng GMA-7 dahil sa magandang performance nito sa ratings game.

“Thankful. Happy,” panimulang bulalas ng lead star ng naturang Kapuso telefantasya na si Janine Gutierrez.

“Kasi masaya talaga yung bonding namin dito sa set, e.

“Mostly girls kasi kami e, so puro tsikahan puro kainan.

“These past few taping days pag may lunchbreak kakain kami sa labas, kung pupuwede.

“So iyon, mami-miss ko yung grupo.”

Magtatapos na next week, July 20, ang Dragon Lady.

WORKING WITH EA

Bukod sa mga female cast members ng Dragon Lady tulad nina Joyce Ching, Maricar de Mesa at Diana Zubiri, mami-miss din ni Janine ang pakikipagtrabaho sa isa pa nilang co-star na si Edgar Allan Guzman.

“Si EA kasi palagi naming kasama e.”

May mga supporters na nga ang tambalan nila ni EA sa Dragon Lady na binansagang “Goldina.”

Continue reading below ↓

Gumaganap si EA bilang si Goldwyn Chen, samantalang si Janine naman ay si Celestina Sanchez.

Matindi ang clamour ng mga netizens na sila ni EA ang magkatuluyan sa ending ng Dragon Lady.

Natatawang pag-amin ni Janine, “Ako din gusto ko sana. Ako din!

“Gusto ko talaga yung character ni Goldwyn kasi napaka-selfless and iyon, okay din talaga karabaho si EA, e.

“Kaya na-enjoy ko siyang kaeksena.

“Kahit mabigat yung eksena, medyo dumadali kapag siya yung kaeksena mo kasi napakahusay so madadala ka din talaga.”

MEMORABLE SCENES WITH EA

May isang eksena silang ginawa ni Edgar Allan na memorable para kay Janine at umani ng papuri mula sa mga televiewers.

Kuwento niya, “Magpu-propose si Goldwyn, na tinanggihan siya ni Scarlet and sobrang nakakaiyak yung eksena for me kasi nakakaawa si EA.

“Super-galing niya dun sa eksena.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine sa taping ng Dragon Lady sa may T. Morato Ave., Quezon City noong nakaraang Miyerkules, July 10.

Continue reading below ↓

Hindi rin makakalimutang eksena ni Janine ay yung mga panahong paumpisa pa lang silang umeere kunsaan naka-prosthetics siya bilang isang babaeng dragon.

“Kasi ayoko nang ulitin,” at muling tumawa ang magandang Kapuso actress.

Sa bandang ending ba ay hindi na siya muling mag-aanyong dragon?

“Abangan, abangan!” pambibitin ni Janine.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez (center) will miss working with Dragon Lady co-star Edgar Allan Guzman (right) when the GMA-7 teleserye ends its extended run on July 20, 2019.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results