Cherry Pie Picache embraces the opportunity to play a sexy role

by Jet Hitosis
Aug 9, 2019
Cherry Pie Picache says she grabbed the opportunity to play a sexy role at 49 years old via Call Me Tita.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa edad na 49, kumasa si Cherry Pie Picache sa isang bago at mapangahas na role sa Call Me Tita.

Aminado si Direk Andoy Ranay na si Cherry Pie ang may pinaka-challenging na character sa anim na bida sa ipalalabas na iWant digital series.

Tinatampukan ng magkakaibang kuwento ng mga babaeng ine-enjoy ang kanilang midlife, bida rin sa Call Me Tita sina Angelica Panganiban, Mylene Dizon, Agot Isidro, Joanna Ampil, at Lorna Tolentino.

Continue reading below ↓

Sa serye, si Cherry Pie ay isang chef na hindi na masaya sa 25-taong pagsasama nila ng kanyang asawa.

Si Jay Manalo ang gaganap na asawa ni Cherry Pie at marami silang daring at love scenes.

“Physically, ang pinakamahirap na character ay yung kay Cherry Pie,” pag-amin ni Direk Andoy sa media conference ng Call Me Tita noong August 6.

“Kasi siya yung sobrang out of the box, sobrang out of her comfort zone."

Aniya, ibang Cherry Pie ang mapapanood sa Call Me Tita, “Nakikita natin lagi si Cherry Pie, yung martir na nanay, o yung kontrabida.

“Dito, hindi ganun kasi yung character ni Cherry Pie.”

Kuwento ni Direk Andoy, nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang role dahil marami itong ikinunsidera bilang isang ina.

Paliwanag ni Cherry Pie, “Kasi iba na, kasi magulang ka na, so may pinoprotektahan ka.”

Tinukoy rin ng beteranang aktres na hindi lahat ng Pinoy viewers ay naiintindihan ang trabaho ng isang artista.

Continue reading below ↓

“Dun lang ako talaga nahirapan.

"Siguro I wouldn’t worry as much kung katulad sa ibang bansa na when they look at the actors, yung actors.

“Kaso, sa atin, ang audience natin, minsan parang hindi nila nadi-differentiate yung actor from your personal life.”

CHERRY PIE WORRIED ABOUT SON’S REACTION

Aminado ang aktres na hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang binatilyong anak na si Antonio "Nio" Tria sa gagampanan niyang role.

Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa dating partner niyang si Gary Tria.

“So it was difficult for me, first, yung reason ko for my reluctancy dun sa role was because I’m a mother, di ba, I have a son.

“'Tapos siyempre sinasabi nila, ‘Ah, malaki na si Nio, maiintindihan na niya 'yan.'

"Sabi ko, ‘E, paano yung mga friends, mapapaliwanag na niyan.’”

Continue reading below ↓

Sa huli, nakumbinsi rin si Cherry Pie na kumasa sa challenge ng sexy role para sa isang 49-anyos na tulad niya.

Kuwento pa ng aktres, “Then, sabi ko, sige I’ll embrace it.

"Kasi, when else when I do it? I’m 49, di ba?

“Plus madalas yung mga roles ko na ginagawa recently is, di ba, yung martir na nanay.

“So I want to also challenge myself, as an actor.

“So ganun, sa isip mo, ‘laban, sige.’”

Natatawa namang ikinuwento ni Cherry Pie na sobrang nanibago siya sa role, kaya naman naka-take five siya sa unang araw ng taping.

“Yung first taping day, take five! Na-principal’s office ako,” sabi ni Cherry Pie, tinukoy kung paanong kinausap siya ni Direk Andoy.

“Tinawag ako ni Direk Andoy, sabi niya, ‘Pie you have to embrace it. Pumayag ka. Napag-agree-han natin, you have to own it, you have to embrace it.’"

Continue reading below ↓

Na-realize naman ng aktres, “Kasi mas hindi nga naman maganda kung half-baked.”

FIRST TIME TO DO A LOVE SCENE

Ayon kay Cherry Pie, ayaw niyang sayangin ang oportunidad na gampanan ang isang role na bago sa kanya.

Sabi niya, “Iniisip natin, lagi naming sinasabi, ‘Bakit sila nakakagawa sila ng ganun?’

“May ganun lagi kaming inggit, e.

“Now it’s our turn, it’s our chance. This is an opportunity for us.”

Sa trailer ng Call Me Tita, may mga eksena sina Cherry at Jay na nagse-sex sa iba’t ibang lugar sa kanilang bahay.

“First time talaga in my 29 years in the industry,” bulalas ni Cherry Pie.

“Ngayon ko lang ginawa yung ginawa ko dito,” dagdag pa niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cherry Pie Picache says she grabbed the opportunity to play a sexy role at 49 years old via Call Me Tita.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results