Sofia Pablo too young to be courted by love team partner Will Ashley

by Rommel Gonzales
Aug 18, 2019
Kapuso teen actress Sofia Pablo gets her biggest acting break in new GMA-7 Afternoon Prime show, Prima Donnas.
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa Onanay huling napanood si Sofia Pablo at ngayon ay isa na siya sa mga bida sa Prima Donnas na eere simula bukas, August 19, sa GMA Afternoon Prime.

Thirteen years old lamang si Sofia na nagsimula sa showbiz bilang commercial model ng Jollibee, at unang pelikula niya ang Mariquina ni Barbie Forteza, sa direksyon ni Ricky Davao.

Dahil dito ay kinuha naman siya ni Direk Ricky sa Dading ni Gabby Eigenmann.

Pagkatapos noon ay sa ABS-CBN siya nag-artista.

Matapos ang tatlong taon ay bumalik si Sofia sa GMA-7 para sa Because of You nina Carla Abellana at Gabby Concepcion.

“Opo,” ang bulalas ni Sofia sa tanong namin kung ang Prima Donnas ang biggest break niya bilang artista.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sofia sa grand mediacon ng Prima Donnas sa 17th floor ng GMA Network noong nakaraang Martes, August 13.

LOVE TEAM PARTNER

Ka-loveteam ni Sofia si Will Ashley na guwapong sixteen-year old Kapuso teen star na kasali rin ngayon sa Prima Donnas.

Continue reading below ↓

Kuwento ng dalaga tungkol sa kani-kanilang role sa serye, “Kababata po namin siya as Nolan, pero for a time po magkakahiwalay, pero sooner babalik po siya.”

Kung si Will ang masasabing kapareha ni Sofia sa Prima Donnas, ayaw namang i-reveal ni Sofia (na gaganap bilang Donna Lyn) kung sino ang magiging kapareha nina Jillian Ward (bilang Donna Marie) at Althea Ablan (bilang Donna Belle) sa naturang drama series.

Pakli niya, “Secret pa po.”

Hindi raw nanliligaw si Will kay Sofia. Mga bata pa raw sila at hindi pa siya puwedeng ligawan.

“Pero we’re really close friends. We’re special friends po.”

“Wala po,” ang maagap na sagot ni Sofia nang tanungin namin kung may girlfriend ba si Will.

WILLING TO WAIT

Napag-alaman naming sinabi ni Will na maghihintay ito kapag puwede nang ligawan si Sofia.

“In a way, in a way,” ang tumatawang pagkumpirma ni Sofia dito.

Bagay naman sila ni Will.

Continue reading below ↓

“Thank you po,” ang simpleng reaksyon ni Sofia.

Two years ago sila unang nagkasama sa Destined To Be Yours, na pinagbidahan nina Maine Mendoza at Alden Richards.

Nag-guest noon si Sofia at si Will ay gumanap naman bilang kapatid ni Maine.

“After po nun, mga guestings, and then ngayon lang po talaga kami magsasama sa isang regular soap,” lahad niya.

MOVIE DATES

Nagba-bonding daw sila ni Will.

Kuwento niya, “We watch movies together.”

Pero nilinaw ni Sofia na hindi lang silang dalawa ang magkasama sa kanilang movie date, dahil kasama din nila ang mga mommies nila ni Will.

Mahilig daw silang manood ng horror movies.

“Then, recently po, pumunta kami ng Asylum. Kasama po namin si Althea,” patuloy niya.

Biro namin kay Sofia, kapag nagugulat at napapasigaw ba siya ay napapahawak siya kay Will?

“Well, both po,” at tumawa si Sofia.

“Actually, mas sumisigaw pa po siya kesa sa 'kin.

Continue reading below ↓

“Kinabukasan po wala siyang boses.”

Samantala, tampok rin sa Prima Donnas sina Katrina Halili bilang Lilian Madreal, Wendell Ramos bilang Jaime Claveria, Chanda Romero bilang Lady Primarosa Claveria, Benjie Paras bilang Agaton, Elijah Alejo bilang Brianna at Aiko Melendez bilang Kendra Fajardo.

Ang Prima Donnas ay sa direksyon ni Gina Alajar.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso teen actress Sofia Pablo gets her biggest acting break in new GMA-7 Afternoon Prime show, Prima Donnas.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results