Jillian Ward not yet ready to entertain suitors

by Rose Garcia
Aug 18, 2019
Despite being a teener already, Kapuso actress Jillian Ward still feels like a kid at heart, and admits she's not yet ready for love: "Naku, maha-high blood po si Papa!”
PHOTO/S: Noel Orsal

Dahil 14 anyos na siya, pakiramdam ng Kapuso actress na si Jillian Ward ay dalaga na siya.

“Siguro po, kapag ganitong nasa labas, dalaga po.

"Kapag nasa bahay po, bata pa.

"Mas maingay po ako sa bahay. Kanta po ako nang kanta, naglalaro,” kuwento ni Jillian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Kapuso drama series na Prima Donnas nitong Agosto 13, Martes sa GMA Compound, Quezon City.

TOO YOUNG FOR LOVE

Yung ibang artistang kaedad niya, nagkakaroon ng ka-love team. Pero ayaw kumpirmahin ni Jillian kung may ka-love team siya sa Prima Donnas.

Biniro si Jillian ng press people na kapag nagka-loveteam siya, malamang ay ligawan na siya.

“Naku, maha-high blood po si Papa!” natawang bulalas niya.

“Pero gusto ko rin naman po ang idea na magka-love team.

"If ever po, first time ko pong magka-love team dito.

“So, ibang experience naman po at gusto ko rin po yun ma-experience.”

Continue reading below ↓

Sa totoong buhay, bawal pa siyang magpaligaw.

“Kahit ako po mismo, kahit hindi naman ako pagbawalan, talagang ayoko pa po,” saad niya.

Noong bata siya, kapag ini-interview siya ng press, hindi siya nahihiyang magsabi kung sinu-sino ang mga crush niya na local actors.

“Tinanong din po ako at ang sinabi ko po ay si Kuya Alden [Richards].

"Si Kuya Alden po, ang galing-galing umarte at ang bait-bait po talaga.

"At saka, hindi po siya nakakalimot kahit na gaano pa siya kasikat.”

Dugtong pa niya, “Si Coco Martin din po at idol na idol ko rin po si Ely Buendia.”

NOT WORRIED ABOUT RATINGS, COMPETITION

Aminado si Jillian na malakas ang programang makakatapat nila. Hindi maiaalis ang pressure sa kanya lalo pa’t ang Prima Donnas na pinagbibidahan niya ang big break niya ngayong teenager na siya.

Pag-amin niya, “Siyempre napi-pressure ka po at dapat naman po every show, napi-pressure ka dahil yun po ang sign na mahal mo pa rin ang ginagawa mo, nabibigay mo palagi yung best mo.”

Continue reading below ↓

May pressure ba na mapantayan o matalo nila ang katapat na serye?

Diin niya, “Sa akin po, sa totoo lang, hindi ko po iniisip na mahigitan sila, matalo or whatever.

"Ang importante po sa akin, meron po akong mga taong mapapasaya gaano man kaunti o kadami, basta meron po akong mapapasaya.

“Yung may matutunan po silang lesson sa kuwento namin.”

Sabi pa niya, “Sila na po ang bahala kung gusto nilang panoorin. Si God na po ang bahala.”

Naniniwala si Jillian na tamang panahon na ngayon siya nabigyan na ng Kapuso network ng pagkakataon na maging bida muli.

“Opo naman, pero last lead ko rin po, Sa Piling Ni Nanay, awkward stage po after.

"Pero tama na rin po, kasi, nine years na rin po yung character ko as bata.

“Medyo nag-mature na rin po ako,” dagdag niya.

GROUP CHEMISTRY

Tatlo silang mga bida sa Prima Donnas na gaganap bilang triplets: si Althea Ablan bilang Donna Marie, Sofia Pablo bilang Donna Lyn, at si Jillian bilang Donna Belle.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa po silang kasama,” sabi ni Jillian.

“Actually, yung bonding po namin sa set, parang medyo magkapatid na po.

"Sa tent, magkakasama po kami. Kumbaga, kapag wala pong eksena, pinapatay po ang ilaw, mag-music po kami, maglalaro ng ML (Mobile Legend) kapag nagkukuwentuhan.”

Okay lang kay Jillian na parang sa tradisyon ng GMA serye na Anna KareNina na tatlo silang inilulunsad.

Aniya, “Kumbaga, parang test po sa amin na tatlo kung ano po ang kaya naming gawin.

"Ngayon po, sa show, nagwu-work po kami as a group.

“Pero in the future, siyempre, gusto ko po ng solo na mas marami pa po akong mapu-portray na character or makilala rin po ako ng tao as ako.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being a teener already, Kapuso actress Jillian Ward still feels like a kid at heart, and admits she's not yet ready for love: "Naku, maha-high blood po si Papa!”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results