StarStruck hopeful Kim de Leon considers Jeremy Subido his fiercest rival

by Rose Garcia
Aug 18, 2019
StarStruck 7 finalist Kim de Leon on fiercest rival Jeremy Subido: "Sobrang galing niya sa drama.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi inasahan ng 19 anyos na si Kim de Leon ng Batangas City na aabot siya sa Top 14 ng StarStruck (Season 7).

“Yung final audition pa nga lang po, hindi na ako masyadong nag-expect na makakapasok ako,” ani Kim.

Bago mag-audition sa StarStruck, marami nang nagawang TV commercials si Kim.

Aksidente lang daw ang pagkaka-audition niya sa StarStruck nang isama siya ng agency niya.

“Kaya sobrang unexpected po,” nakangiting sabi niya.

KEEPING UP THE FIGHT

Kabado siya tuwing may tanggalan. Lalo na noong weekend na naging bottom siya.

“Sobrang grabe pong nakakakaba,” pag-amin niya.

“Pero sinabi ko na lang na kahit na anong mangyari, magtutuluy-tuloy lang ako sa gusto kong gawin.”

Hindi ba siya umaasang maging Ultimate Survivor?

Lahad niya, “Ako po, lumalaban, pero hindi po ako masyadong nag-e-expect.

"Nagpo-focus na lang po ako pagdating sa test, sa campaign na magsu-support sa ‘yo.”

Continue reading below ↓

FIERCEST CONTENDER

Si Kim ang sinasabing isa sa malakas sa male hopefuls. Ang nai-save ng “twist” na si Jeremy Sabido ang nakikita niyang mahigpit nilang kalaban.

“Kasi, sa drama po ako pinakahirap,” saad ni Kim.

“Si Jeremy po, forte niya yun. Sobrang galing niya sa drama.”

JUDGE DREAD

Sa tatlong council members ng StarStruck batch 7, tinanong namin si Kim kung sino kina Heart Evangelista, Cherie Gil at Jose Manalo ang kinatatakutan o iniyakan na niya ang komento sa kanya.

Ani Kim, “Ako po, bawat week, bawat artista test, yung comment po nila, sobrang ganda, sobrang nakakaiyak. Kapag may interview pa ako after ng performance, parang hindi na ko makasalita.

“Bawat puri po nila sa akin, sobrang nakakaiyak.”

Yung medyo kinatatakutan daw niya ay si Jose Manalo.

Ayon kay Kim, “Actually, noong una po, si Ms. Cherie Gil. Pero noong naka-work na po namin siya, sobrang bait.

Continue reading below ↓

“Ngayon po, si Sir Jose kasi sobrang hirap po niyang kapain.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck 7 finalist Kim de Leon on fiercest rival Jeremy Subido: "Sobrang galing niya sa drama.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results