Kasama ang kanyang Watch Me Kill director na si Tye Acierto, ikinuwento ni Jean Garcia sa kanyang PEP Live interview, kung paano siya nakumbinsi na gawin ang isang bagay na first time niyang ginawa sa buong career niya.
Sa isang eksena kasi sa nabanggit na pelikula, babarilin ang character ni Jean at ipapakita ang pagtama ng bala sa katawan niya. At para sa eksenang ito, kailangang magsuot si Jean ng squib—ang special effect na ginagamit sa mga pelikula para magaya ang pagputok ng tumatamang bala sa katawan ng tao.
Ang problema: Takot si Jean na magsuot nito. Baka raw kasi siya makuryente. Electronically-controlled kasi ang squib.
Kuwento pa ni Jean, hindi raw talaga siya nagsusuot ng squib at kapag may eksenang babarilin siya, may ka-double daw na nagsusuot ng squib dahil takot nga siya rito.
Panoorin kung paano nakumbinsi ni Direk Tye si Jean na magsuot ng squib. Panoorin din ang kabuuan ng kanyang PEP Live interview rito: https://www.youtube.com/watch?v=ST5TDIS1NL0
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel