Nagbabalik sa GMA show na Tadhana si Marian Rivera matapos na magbakasyon dahil sa kanyang panganganak.
Nang tanungin kung maaasahan bang magsama muli sila ng asawang si Dingdong Dantes sa isang episode ng Tadhana, sumagot si Marian na dapat nga raw ay magkasama sila sa anniversary presentation ng nabanggit na Kapuso show.
Ang problema, marami raw kasing ginagawa si Dingdong.
Nang tanungin kung anong klaseng presentation ang gusto niya para sa episode nila ni Dingdong, sagot ni Marian: "Kakaiba naman...
"Baka killer ako, ganun."
Ang Tadhana ang weekly drama anthology kunsaan host si Marian.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel