StarStruck finalist Shayne Sava still in disbelief over Final Four win

by Rose Garcia
Sep 14, 2019
Will Shayne Sava emerge as StarStruck 7's next Ultimate Female Survivor?
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagulat si Shayne Sava ng Binangonan, Rizal na umabot siya sa Final Four ng StarStruck (Season 7). Sila ni Lexi Gonzales ang magkatunggali sa pagiging Ultimate Female Survivor.

Pag-amin niya, “Na-shock po ako, kasi si Pamela Prinster po talaga ang isa rin po sa matitindi naming kalaban. Magaling po sa acting, sa singing, dancing.

“So, noong natawag po ako, nagulat po ako at naiyak po ako sa tuwa, kasi yun na po ang matagal kong hinihintay.

“Parang hindi po ako makapaniwala, kasi parang napapanaginipan ko lang po siya, nangyari na po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shayne sa pa-presscon ng GMA network nitong nakaraang Miyerkules, September 11.

Para kay Shayne, ang determinasyon niya siguro ang nakikita sa kanya kaya siya tumagal hanggang sa Final Four.

Lahad niya, “Pursigido po ako na matutunan ang lahat ng bagay na kailangan ko pong matutunan. Open po ako sa criticism ng ibang tao.

Continue reading below ↓

“Tinatanggap ko pong lahat ang advice nila at yun po, patuloy po akong lumalaban sa lahat po ng pagsubok na ibinibigay sa akin.”

FULFILLING LOLA'S WISH

Nakilala si Shayne nang ilunsad ang Final 14 ng StarStruck batch 7 sa kuwento ng lola niya na sana ay makapasok siya dahil wala na raw silang pamasahe.

Ang lola niya ang kasa-kasama ni Shayne sa auditions.

Ayon kay Shayne, “Hindi rin po niya inaasahan na makakapasok po ako hanggang dito, hanggang sa dulo po. Kasi sabi niya rin po sa akin, makapasok lang ako ng Top 14, okay na po.

“Kaya sabi niya rin, magdasal lang daw po nang magdasal, kasi yun daw po ang pinakamakapangyarihan na puwedeng gawin.”

Noong nakapasok na siya sa Final 14, may struggles pa rin ba sila ng lola niya pagdating sa pamasahe at mga damit?

Nakangiting sabi ni Shayne, “Sa ngayon po, wala na naman po. Nabibigyan ko na rin po ang lola ko ng pera po bilang panggastos po naming dalawa, pamasahe po naming dalawa.

Continue reading below ↓

“Nakakatuwa po kasi nakakatulong na rin po ako.”

Bukas, Linggo, September 15, magkakaalaman kung sino sa kanila ni Lexi ang magiging ikapitong Ultimate Female Survivor ng StarStruck.

POSITIVE CHANGES

Hindi pa man siya nagwawagi, aminado si Shayne na marami nang nabago sa buhay niya.

“Kung paano po ako kumilos, kung paano po ako manamit. Dati po, mahiyain ako. Hindi ako sanay humarap sa camera. Pero ngayon, medyo nakakapag-adjust na po,” saad ni Shayne.

“Sa acting wise po, medyo nag-improve na po nang pakonti-konti.”

Sa lahat ng pinagawang challenges sa kanila, sa fantasy at action siya medyo nahirapan.

Positibo rin si Shayne pagdating sa mga nabuo na niyang tagahanga.

Dagdag niya, “Grabe po yung buhos ng suporta at pagmamahal na binibigay sa akin ng fans ko po.

“Grabe po silang mag-effort na suportahan ako. Para ko na rin po silang pamilya.”

Marami rin siyang natatanggap na mensahe mula sa mga kababayan niya sa Rizal.

Continue reading below ↓

Aniya, “Go Rizalena, Go Rizal, kaya nakakatuwa po talaga.”

Sa buong journey niya sa StarStruck, hindi raw niya makakalimutan ang mga aral at payo na nakuha niya, at ang mga komento ng mga hurado.

Sinabihan siya ni Cherie Gil na para siyang fireball. Pinuri ni Heart Evangelista ang pag-arte niya at sinabing magiging magaling siyang aktres.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Shayne Sava emerge as StarStruck 7's next Ultimate Female Survivor?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results