Jillian Ward inspired by high ratings of Prima Donnas

by Rose Garcia
Oct 26, 2019
Jillian Ward admits feeling inspired by her current Kapuso serye's high ratings: "Alam namin na mas kailangan naming pagandahin ang mga eksena. Inspired pero pressured din po.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Ganado sina Sofia Pablo, Althea Ablan at Jillian Ward sa mataas na ratings ng Kapuso drama series nilang Prima Donnas.

Ayon kay Jillian, “Siyempre, padami po nang padami yung nanonood sa amin, so mas nakaka-inspire po.

“Pero siyempre, nakaka-pressure din po dahil alam naming marami ang nanonood sa amin.

"Alam namin na mas kailangan naming pagandahin ang mga eksena.

“Inspired pero pressured din po.”

CHALLENGING ROLE

Iba ang challenge kay Jillian ng role niya sa Prima Donnas.

“Actually po kasi, ang character po ni Donna Marie, kahit similar po kami, parang ang daming twist kay Donna Marie.

“Yung personality niya po, ibang-iba po sa akin. Yung personality niya, hindi ko rin po matimpla.

“Iniisip ko po, paano ba siya magsalita?

"So noong una, medyo mahirap din po sa akin na hanapin po ang character ko at kung sino po talaga si Donna Marie.”

Continue reading below ↓

Ngayon, nahanap na niya?

“Ako na po si Donna Marie,” nakangiting sagot ni Jillian.

BONDING WITH CO-STARS

Kapansin-pansin na mas malapit na sa isa’t isa ang tatlong bida ng Prima Donnas.

Aminado sina Althea at Sofia na sa umpisa, may konting ilang sila kay Jillian.

Ayon kay Jillian, “Actually, kahit ako naman po, napapansin ko rin sa sarili ko na kapag hindi ko kilala yung tao masyado, parang medyo nakakatakot ang hitsura ko.

“Kasi tahimik lang ako.

“Kaya ngayon po, medyo nilalabas ko rin yung maingay side ko.”

FIRST LOVE TEAM

Teenager na si Jillian at dito sa Prima Donnas siya unang may ka-love team sa karakter niya, si Vince Crisostomo.

Lahad niya, “Sa My Special Tatay po kasi, yung love interest, parang pa-cute-cute lang. Dito po kasi, parang medyo iba.

“Actually, medyo naiilang din po ako. Like yung kay Cedric, kapag off-take po, hindi ko po siya natitingnan, yung ganun.”

Continue reading below ↓

Naiilang na siya?

Tugon niya, “Hindi ko po alam, siguro po, iba lang yung experience sa akin na parang medyo seryoso po yung love team.”

Hindi pa ba siya sanay na may ka-love team?

Pag-amin niya, “Opo, parang ganun nga po. Parang hinahanap ko pa po kung paano magpakilig.”

Bagamat aminadong naninibago pa, natutuwa si Jillian dahil marami raw silang natatanggap na magagandang komento sa kanilang love team.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jillian Ward admits feeling inspired by her current Kapuso serye's high ratings: "Alam namin na mas kailangan naming pagandahin ang mga eksena. Inspired pero pressured din po.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results