
Hindi raw isyu kay Matteo Guidicelli na second choice siya bilang Pedro Penduko sa Viva Films 2019 reboot ng Francisco V. Coching fantasy character na ito.
Unang na-announce noon na si James Reid ang gaganap bilang Pedro Penduko. Pero nung Hunyo ng taong ito, nag-withdraw sa pelikula si James at napunta na nga kay Matteo ang role.
Napag-usapan din kung paano ang magiging treatment sa pang-anim nang pagsasapelikula ng classic komiks character na ito na ginampanan na noon nina Efren Reyes Sr., Ramon Zamora, at Janno Gibbs.
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel