Marcelito Pomoy pinahanga sina Simon Cowell at co-judges sa America's Got Talent

by Rommel R. Llanes
Jan 14, 2020
Hindi makapaniwala ang America's Got Talent judges (inset) na sina (mula kaliwa) Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum, at Simon Cowell sa ipinamalas na talento ni Marcelito Pomoy.
PHOTO/S: America's Got Talent, YouTube

Tumuntong na rin ng entablado ng America's Got Talent ang Pilipinas Got Talent Season 2 grand winner na si Marcelito Pomoy.

Bago ang kanyang performance sa harap ng America's Got Talent judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Alesha Dixon, at Howie Mandel; at sa American viewing public, ipinakita muna ang isang maikling video ng istorya ng buhay ni Marcelito at ang pagkapanalo niya sa Pilipinas Got Talent.

Naging emosyunal si Marcelito dahil binalikan ang mapait na nakaraan niya ng pagiging palaboy sa lansangan, paghahanap sa kanyang pamilya, at ang pagkapanalo nga niya sa Philippine franchise ng talent search na sinimulan ni Cowell nung 2006.

Kasama ni Marcelito sa stage ang kanyang asawang si Joan na nag-introduce sa kanya sa mga judges.

Nagulat sina Simon, Heidi, Alesha at Howie nang sinimulan na ni Marcelito ang pag-awit ng "The Prayer" dahil nagboses-babae ito.Hindi sila makapaniwala na kay Marcelito nga ang nanggagaling ang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo silang napahanga nang nagboses-lalaki na si Marcelito habang kinakanta ang Italian lyrics ng awitin.

Ang "The Prayer" ay ang duet na pinasikat ng Canadian singer na si Celine Dion at Italian pop-opera singer na si Andrea Bocelli.

Standing ovation hindi lang ang judges kay Marcelito kundi pati na rin ang hindi makapaniwalang studio audience.

Nang matapos na si Marcelito ay nagbigay na ng kanilang mga komento ang judges.

Gusto sana ng judges na bigyan ng Golden Buzzer si Marcelito para diretso na ito sa finals ng talent search. Niyakag nina Simon na gamitin ni Howie ang Golden Buzzer privilege nito, pero sabi ng dating Deal or No Deal host, masyado pang maaga ang gabi at may iba pang magpapakita ng talent. Mas pinili nitong ireserba na muna ang paggamit ng kanyang Golden Buzzer.

Gayunpaman, nakakuha ng apat ng "Yes" si Marcelito at tuloy na siya sa susunod na round ng America's Got Talent.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi makapaniwala ang America's Got Talent judges (inset) na sina (mula kaliwa) Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum, at Simon Cowell sa ipinamalas na talento ni Marcelito Pomoy.
PHOTO/S: America's Got Talent, YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results