Carmina Villarroel not allowing daughter Cassy to do lock-in taping

by Rose Garcia
Jul 17, 2020
Sarap 'Di Ba ? Bahay Edition becomes a family affair as Carmina Villarroel, twins Cassy and Mavy Legaspi become the hosts, while Zoren Legaspi serves as the shows director. It will resume normal airing on July 18, 2020.
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram

Pagkatapos ng apat na buwan, mapapanood na simula sa Sabado, July 18, ang mga bagong episodes ng Sarap 'Di Ba?

Pero tila ay magiging family affair ang work-from-home set-up ng show, bilang ang hosts ay ang mag-iinang sina Carmina Villarroel at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, at ang kanilang magiging director ay si Zoren Legaspi mismo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Legaspi family sa pamamagitan ng Zoom interview noong July 14, 2020.

Dito ikinuwento ni Zoren kung paano nangyaring siya na muna ang director ng Sarap ‘Di Ba?

“Well, una kasi, maraming debate kung paano sisimulan ang shoot ng Sarap ‘Di Ba? As we all know, ang taping nila ay sa studio. Dahil sa quarantine, it’s against the policy na mag-tape muna sa studio. But the producer wanted fresh episodes,” saad ni Zoren. At doon nga raw pumasok ang ideya na mag-shoot na lang sa bahay.

Continue reading below ↓

Ang GMA-7 ang unang nagbigay kay Zoren ng oportunidad na mag-direct.

“Hitting two birds with one stone. Rolled into one na ang nangyari sa akin. Ayun lang, no one’s here to help us. Walang staff dito kung hindi kami-kami lang,” ang pakli ng aktor.

Dugtong ni Carmina, “Si Zoren po, aside from being our co-host in Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition, he’s also our cameraman, lighting director, rolled into one na nga kaya nagpapasalamat kami dahil director siya."

Paano tumutulong si Carmina?

“Ako naman, ang role ko naman, since sabi nga ni Zoren, walang staff, walang crew, kami-kami lang talaga na nagtutulungan dito sa bahay. Pati yung mga kasambahay namin.

“Ang ginagawa ko, sa props naman ako, set person, food stylist.”

Bukod sa pagiging hosts ng Sarap 'Di Ba?, maging ang kambal na sina Mavy at Cassy ay may ibang roles sa pagsu-shoot ng bahay edition.

Ayon kay Cassy, “Me, aside from, of course, being the host, ako iyong taga-prompter so we can see the lines.

Continue reading below ↓

“But we don’t really follow the script that much. So taga-prepare ng prompter at script.”

Si Mavy naman, tumutulong daw siya sa tatay nila.

“Ako siguro, tumutulong kay Direk Z,” natawa niyang sabi.

“Minsan inaayos ko rin ang camera, but, most of the time, si Tatay iyon. And iyong mga ilaw, importante iyon, iyong audio. Pero si Direk Papa Z, siya mismo, he’s the man of the program, bahay edition.”

SARAP 'DI BA? BAHAY EDITION

Ang isa sa puwedeng abangan ng mga manonood sa Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition ay ang bihirang pagkakataon na ipapakita ng Legaspi family ang kanilang bahay.

Bukod dito, si Carmina rin daw ang nag-suggest kung puwede silang mag-feature ng mga online sellers.

“Sabi ko, it's our way of helping them. Kasi ako, ang ginagawa ko, actually, during the lockdown pa, nagpu-post talaga ko sa IG stories ko ng mga small businesses.

"Kasi, in that way, parang sa paniniwala ko, in doing that, I am helping them promote, especially iyong mga deserving ones, iyong talagang masasarap.

Continue reading below ↓

“Pero in fairness, lahat naman ng nagpapadala sa amin, masasarap at affordable. Pino-post ko talaga iyon kasi, I’m being thankful. Of course, they’re sending us food at the same time, helping and promoting small businesses.

“Ito, on a larger scale lang kasi, at least ito, mas makikita sa TV, mas malawak ang kanyang scope.”

Nagkatawanan naman sa Zoom interview dahil umaapela na si Zoren sa mga pagkain daw na natatanggap nila.

Ayon dito, “Iyon nga ang problema, post siya nang post sa Instagram, so padala naman nang padala ng pagkain dito sa bahay.

“Sabi ko, 'Hon, huwag ka na mag-post kasi, dahil non-stop iyong padala nila ng pagkain.' Sabi niya, 'E, paano ako tutulong kung hindi i-post sila?'

"So ayun ang nangyari, padala nang padala ng pagkain, lahat sila.”

Ang unang bahay edition episode na mapapanood sa Sabado, 10:45 ng umaga sa GMA-7, ay ni-reshoot daw nila.

Hindi kasi kuntento si Direk Z sa kinalabasan ng una nilang shoot.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Zoren, "Iyong first episode, iyong technical, hindi ko masyadong gusto. So sabi ko, 'Hon, Kambal, baka mag-reshoot tayo.' Nanlaki mga mata nila.

“Kapag hindi okay sa akin, kahit walang bayad. Even when I directed in Regal Films before, sabi ko, 'Ire-reshoot ko iyan, kahit ako na ang mag-ano ng pera.'"

WORKING DURING THE NEW NORMAL

Ano ang mami-miss ni Zoren kapag natapos na ang COVID-19 pandemic at bumalik na sa dati ang lahat?

“Mami-miss ko itong bahay edition, kasi kung wala na ang pandemic, babalik na sa studio. But for me, it’s hitting two birds in one stone. You get to work at the same time, mag-bond kami together.

“Sa studio kasi, it’s really work there.

“Si Cassy kasi, bago mag-lockdown, she’s very busy preparing for her soap. Si Mavy naman, very busy sa Sunday show niya, ang All-Out Sundays. 'Tapos ako, nagte-taping ng Bilangan... then, Carmina was already taping for her new show. So, hindi talaga kami nagkikita-kita.

Continue reading below ↓

“So itong bahay edition na ito, it gave us a stage to work and bond together. Siguro kung matapos ang pandemic, and everything goes back to normal, baka ito ang ma-miss ko.”

Ngayong naka-General Community Quarantine ang NCR, maaring mag-resume na ng taping ang Kapuso network. Ngunit ang new normal ng taping ay may lock-in para sa mga magsu-shoot. Ibig sabihin, ilang buwang hindi makakauwi ang mga nasa set.

Papayagan ba ng mag-asawang sina Zoren at Carmina ang kanilang mga kambal na mag-taping na muli?

Sabi ni Cassy na natatawa sa mga magulang, “Bye, magtatrabaho na ko...”

Pag-amin naman ni Zoren, kung noong nakaraang buwan daw siguro, payag na sana siya.

“Last month or two months ago, I was willing.

"Pero dahil tumataas ang cases, parang hindi ako papayag muna. Kasi, pataas pa nang pataas ang cases so it means, lumalala ang sitwasyon.

“Two months ago, willing ako kasi sabi ko, malalakas naman sila at malulusog. Pero dahil nga tumataas ang cases, sabi ko, hindi siguro, huwag na muna."

Continue reading below ↓

Halos mangiyak-ngiyak naman si Carmina kapag naiisip niyangf magla-lock-in taping si Cassy.

Kabilang ang dalaga sa sisimulan sanang serye, ang My First Yaya, kasama si Marian Rivera.

Sigurado na si Carmina na hindi raw siya papayag.

“Ako na ang magsasabi na hindi ko kaya!” natatawang pag-amin niya.

“Hindi ko kaya ang lock-in. Hindi ba ang lock-in, usually two weeks, one month without seeing her?! Naku, gusto ko kasama ko, no.... hindi ko kaya, hindi ko kaya.

“Mag-sleepover nga, bawal iyan, e. Mag-lock-in pa ng isang buwan? Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Hindi ko kaya. Siguro, hindi, walang siguro, hindi ko kaya.”

Natatawang sagot naman ni Mavy sa sinabi ng nanay niya, “Siguro never.”

Na sinundan ni Cassy ng, “Never, ever, ever.”

Kaya sagot ni Carmina, “Sleepover nga hindi ako pumapayag! Ito pa kaya, one week, two weeks, one month?

"Ay jusmio lord! Baka gusto niyo hanggang ganito na ang eyebags ko at hindi ako matulog.

Continue reading below ↓

“'Tapos, ano pa, may virus pa, no, no, no!”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarap 'Di Ba ? Bahay Edition becomes a family affair as Carmina Villarroel, twins Cassy and Mavy Legaspi become the hosts, while Zoren Legaspi serves as the shows director. It will resume normal airing on July 18, 2020.
PHOTO/S: @mina_villarroel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results