Vice Ganda's online show to invite Kapuso stars as guests: "Siguro hindi naman masama"

by Rose Garcia
Jul 21, 2020
Vice Ganda's online show Gabing Gabi na Vice will invite both ABS-CBN and GMA-7 stars. It will also serve as a platform for fellow stand-up comedians who lost their jobs.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Mapapanood pa rin si Vice Ganda kahit na nag-shutdown ngayon ang ABS-CBN.

Kagaya ni Oprah Winfrey, nag-launch si Vice ng sariling digital network, ang ViceGanda.com.ph.

Magsisimula na sa July 24, 2020 ang kanyang bagong show, Gabing Gabi Na Vice.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa isang digicon noong July 20.

Ayon sa kanya, wala pa man ang COVID-19 ay matagal na raw niyang pinag-iisipan ang magkaroon ng content sa digital space.

"Actually, mayroon na ako dati na parang website, iyong viceganda.com, pero hindi ko siya na-maintain.

"Parang ganito rin yung objective noon, pero hindi ko siya na-maintain, hindi ko siya nalagyan ng content, so nadeadma lang siya, nawala na lang siya nang kusa sa domain, sa online universe."

Pero ang lockdown daw ang bumuhay muli ng interes niya na ituloy ang mga dati pa niyang plano online.

"Una, hindi kami nakaka-ere sa Showtime at that time dahil lockdown nga.

Continue reading below ↓

"So kailangan mong makahanap ng paraan kung paano ka makaka-reach out sa audience.

"Kasi, iyon ang binigay rin sa aming directive sa ABS-CBN. Na ngayong naka-lockdown at lahat kayo ay nasa bahay, sabi ni Tita Cory Vidanes, you need to find a way to reach out to your audience.

"Hindi kayo puwedeng mawala sa kamalayan nila at hindi puwedeng hindi niyo ma-serve ang purpose na sine-serve niyo dati sa kanila. So, the only way is through digital.

"So, during the lockdown and, especially, ABS-CBN is not airing, parang a lot of people migrated to digital."

Si Vidanes ang chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN.

building his audience online

Sinimulan daw ni Vice sa laru-laro lang na mag-Facebook Live isang gabi. Nagulat siya na mahigit one million viewers ang nanood sa kanya at 1.5 million comments ang nakuha niya sa loob lang ng isa’t-kalahati ng oras.

"Sabi ko, ang lala naman nito! So, might as well, do it regularly. Parang nakakaaliw, naaaliw pa rin ang audience ko.

"Kasi, walang way, sa audience ko. Hinahanap nila ako sa TV, naghahanap sila ng good vibes na puwede kong ibigay sa kanila but there was no way.

Continue reading below ↓

"So sabi ko, ito ang paraan."

Nakita rin ni Vice ang potential ng digital media.

Dugtong niya, "Ang daming puwedeng gawin sa online and we, as artists, definitely, we have to find our ways to reach out to the audience and serve our purpose to them and this is my way of doing so."

VICE GANDA TO INVITE KAPUSO STARS

Kumpara sa Gandang Gabi Vice, naniniwala si Vice na sa Gabing Gabi Na Vice, mas marami siyang puwedeng ma-interview na hindi lang Kapamilya stars.

“Siyempre, since digital naman ito, online, hindi naman siya TV, mas masaya kung marami tayong makakasama.

"Kumbaga, sa GGV dati, iyong Gandang Gabi Vice, dumating kami sa point na na-guest na namin lahat ng artista sa ABS-CBN.

"Kahit iyong mga staff, 'Sino pa ba ang kakausapin natin? Sino pa ba ang iinterbyuhin? Lahat nakausap na natin, lahat ng artista, lahat ng relevant sa ABS-CBN nakausap na natin.'

Continue reading below ↓

"Sa loob ng siyam na taon, naubos na. Pero, wala naman tayong magagawa kasi, yun ang sistema.

"Pero dito sa online, siguro hindi naman masama at magiging masaya ang audience na makakita sila ng ibang celebrities na hindi pa nila nakikita o nakakausap o naiinterview o nakaka-banter ko."

Matagal na raw siyang may wish list na makausap mula sa Kapuso network.

Ayon kay Vice, "Marami naman ever since wish list. Marami naman... sa GMA, maraming GMA artists na gusto kong ma-interview.

"Siyempre, sina Heart [Evangelista], o kaya, sila Marian Rivera at saka si Dingdong [Dantes] ulit. Kasi si Dingdong, hindi ko pa na-interview nang solo sa Gandang Gabi Vice dati.

"Na-interview ko siya, pero dalawa sila ni Kris [Aquino]. Pero iyong solo, hindi pa naman. And siyempre, iyong other stars ng GMA."

At saka niya idinugtong si Michael V na gusto rin daw niyang makasama.

helping fellow comedians

Sa kanyang pagtatayo ng Vice Ganda Network, layunin din ni Vice ang tulungan ang mga kasamahan niyang stand-up comedians na nawalan ng pagkakakitaan.

Continue reading below ↓

"Kasama iyon sa secondary objectives ko. First, ang objective ko nga is to make my audience happy. To make my followers happy.

"Second, ang nauna ko nga kasing bahagian ng project na ito ay iyong mga bakla, iyong mga stand-up comedians. Kasi, hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN, na-hit talaga ang mga komedyante."

Nakita ni Vice kung ano ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga hanapbuhay ng mga komedyante.

"Iyong live performances nawala, iyong mga comedy bars, nagsara. At hindi ko nakitang magbubukas anytime soon.

"Hindi na rin naman puwede iyong gatherings na maraming tao, so nawalan ng hanapbuhay iyong napakaraming komedyante na ang sakit-sakit sa puso ko noon.

"And most of them, parang mga anak-anakan so, hindi puwede. Hindi puwedeng hahayaan mo lang sila ng ganun.

"So, naisip ko ito para mabigyan sila ng platform na makapag-perform pa ulit. Bukod sa nagagawa nila ang passion nila, karagdagang kita para sa mga bakla."

Continue reading below ↓

Ramdam ni Vice ang labis na kalungkutan ng kanyang mga kasamahan sa industriya.

"Ang hirap, e.

"Ang hirap na sa isang iglap, alam mo iyong para kang na-stroke. Ang dami mong kayang gawin, pero isang araw, nagising ka na-stroke ka, 'tapos hindi mo na makayang gawin ang ginagawa mo kasi, na-paralyze ang kalahating katawan mo.

"Awang-awa ako sa mga bakla. Ang dami sa kanila, down na down, depressed na depressed. Nababasa ko sa Facebook nila."

Sabi pa ni Vice, "Noong lockdown nga, almost every night, mayroon akong kailangang tawagang bakla dahil na-bother ako sa post niya sa Facebook. Sobrang nag-aalala ako para sa kanila.

"Isa itong paraan para maiahon ko sila doon sa kawalan ng pag-asa na wala na silang magagawa, na hindi na nila magagawa yung ginagawa nilang pagpapatawa na mahal na mahal nila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda's online show Gabing Gabi na Vice will invite both ABS-CBN and GMA-7 stars. It will also serve as a platform for fellow stand-up comedians who lost their jobs.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results