Mark Anthony Fernandez clueless about rumored relationship of son Grae and Kira

by Ruel J. Mendoza
Mar 22, 2021
Mark Anthony Fernandez is clueless about the rumored romance of son Grae and his love-team partner Kira Balinger. "Hindi ako ina-update ni Grae," he says.
PHOTO/S: File; @iamyummy21 on Instagram

Hindi pa raw nakikilala nang personal ni Mark Anthony Fernandez si Kira Balinger, ang bagong ka-love team ng kanyang anak na si Grae Fernandez.

Nagtambal sina Grae at Kira sa katatapos lang na teleserye ng ABS-CBN na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark via live streaming studio na StreamYard noong nakaraang March 16, 2021, sinabi ng aktor na ang dating ka-love team ni Grae na si Andrea Brillantes ang nakilala niya.

Nagtambal sina Grae at Andrea sa mga Kapamilya teleserye na Pangako Sa ‘Yo (2015), Ikaw Lang Ang Iibigin (2017) at sa iWant film na S.P.A.R.K. (2019).

“Hindi ako ina-update ni Grae,” ang tawa ni Mark.

“Hindi ko pa nami-meet si Kira. Ang naipapakilala pa lang sa akin noon ni Grae ay si Andrea.

“Hinihintay ko si Grae na ipakilala si Kira sa akin.”

May mga bulung-bulungan na may namuong relasyon raw kina Grae at Kira habang ginagawa nila ang teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin.

Continue reading below ↓

Pero ang pakiramdam ni Mark ay close friends pa lang siguro ang dalawa.

Noong payagan ni Mark si Grae na pasukin ang showbiz, nag-promise raw ito sa kanya at sa mommy ni Grae na si Melissa na hindi muna manliligaw at pagbubutihan nito ang pagiging aktor.

“The reason na pinayagan namin si Grae sa showbiz is that he promised me and his mom na yung career niya ang magiging focus niya.

“Okey lang naman sa akin na magkaroon siya ng inspirasyon dahil pang-motivate din niya iyon for his work.

"I trust Grae na he will do the right thing. Ngayon kung may naiba sa pinangako niya, puwede naman kaming mag-usap na mag-ama,” diin ni Mark.

MARK'S WISH FOR SON GRAE

Halos magkasing-edad sina Mark at Grae noong nagkainteres sila sa showbiz.

Mark was 13 years old noong i-launch siya in 1992 via Guwapings, kunsaan kasama niya sina Jomari Yllana at Eric Frictuoso.

Continue reading below ↓

Si Grae naman ay 12 years old noong isama siya sa boyband ng Star Magic na Gimme 5, na binubuo rin nila Nash Aguas, Joaquin Lucas Reyes, Brace Henry Arquiza, and John Emmanuel Bermundo.

Ang dream ni Mark para kay Grae ay makagawa ito ng mga magagandang pelikula at makatrabaho nito ang mga mahuhusay na direktor.

“Every parent naman na may anak na nag-artista ay iyon ang gustong mangyari, di ba?

“Kasi ako, at my age now [42 years old], masaya ako sa mga nagawa kong mga pelikula when I was younger."

Inisa-isa ni Mark ang mga magagaling na direktor na nakatrabaho niya: Direk Jose Javier Reyes (Guwapings: The First Adventure, Pare Ko, Araw-Araw Gabi-Gabi, Ako Ba Ang Nasa Puso Mo?); Chito Roño (Eskapo, Istokwa, Boy Golden), Maryo J. Delos Reyes (Kabilin-bilinan ng Lola), Rory Quintos (Mangarap Ka), Tikoy Aguiluz (Biyaheng Langit), Erik Matti (Dos Ekis), Lav Diaz (Hesus Rebolusyonaryo), Jose Carreon (Matimbang Pa Sa Dugo), and Brillante Mendoza (Ma’Rosa).

Continue reading below ↓

“Masarap lang balikan at panoorin ulit yung mga nagawa mong movies kasi proud ka sa mga iyon.

"Yun ang gusto ko for Grae. That he makes good movies and when he gets to my age, he gets to watch his movies and be happy with what he made when he was young.”

MARK'S UPCOMING PROJECTS

Unti-unti na ring bumabalik si Mark sa trabaho. May mga nakaplanong proyekto na raw si Boss Vic del Rosario ng Viva sa kanya last year. Yun nga lang, nagkaroon ng pandemic.

“May naka-line up na projects ang Viva sa atin pero na-put on-hold lahat because of the pandemic.

“Nakakataba ng puso because Boss Vic wants me to be with Viva forever. Sabi niya sa akin, ‘Mark, forever na ito!’

“Yung comeback ko sa Viva after so many years was a guest role sa Miracle In Cell No. 7 in 2019. Masusundan pa dapat iyon, pero nagkaroon bigla ng pandemic kaya na-stop muna."

Continue reading below ↓

Baka rin magbalik-TV si Mark sa GMA-7. Taong 2016 ang huling project ng aktor sa Kapuso network.

“Sa TV naman, may offers to do teleserye. My last TV show was FPJ’s Ang Probinsyano.

“Si Ma’am Redgie [Acuña-Magno] of GMA, lagi kaming nag-uusap. Kung ready na raw akong mag-teleserye ulit, tawagan ko lang daw siya. Nakaka-miss ding gumawa ng teleserye with GMA kasi alagang-alaga nila ako.”

Ilan sa mga nagawang teleserye ni Mark sa GMA ay Ikaw Lang Ang Mamahalin, Impostora, Kamandag, Ako Si Kim Samsoon, Luna Mystika, All About Eve, Mars Ravelo’s Darna, Diva, Little Star, I Heart You Pare, Munting Heredera, Makapiling Kang Muli, Bukod Kang Pinagpala, Prinsesa Ng Buhay Ko, Genesis, Rhodora X, Let The Love Begin, at Wish I May.

Nakatapos naman ng horror movie si Mark titled Biyernes Santo with Ella Cruz, Gardo Versoza, Andrea del Rosario and Via Ortega. Dinirek ito ni Pedring Lopez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez is clueless about the rumored romance of son Grae and his love-team partner Kira Balinger. "Hindi ako ina-update ni Grae," he says.
PHOTO/S: File; @iamyummy21 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results