Kimpoy Feliciano is a diligent taxpayer; reveals house is worth PHP18M

by Rommel Gonzales
Sep 15, 2021
Kimpoy with his dog Alab and his 18-million-peso house in Rizal
PHOTO/S: @kimpoyfeliciano on Instagram

May 1.6 million subscribers si Kimpoy Feliciano sa kanyang YouTube channel, kaya maituturing siyang isa sa pinakasikat na vloggers.

Naging instrumental rin si Kimpoy para gumawa ng sariling YouTube channel si Gie Cayetano na laging naka-tag sa mga vlogs ng una.

Kamakailan ay naging isyu ang tungkol sa tax para sa mga vloggers at content creators, pabor si Kimpoy dito.

Aniya, "Noon pa naman po nagbabayad na ako [ng tax], so hindi po ako nagulat. Kasama po iyon, e. Feeling ko po yung mga natatakot ngayon, iyon yung mga hindi talaga nagbabayad dati pa.

"And fun fact lang, si Angie po ang accountant ko, so siya yung nag-aayos ng mga tax ko. Accountant po kasi iyan, e."

Angie o Anghet ang tawag ni Kimpoy kay Gie.

Balik sa usaping taxes, ang bahay ang pinakamalaking investment ni Kimpoy mula sa kinita niya sa kanyang YouTube channel.

Hindi naman nilihim ni Kimpoy kung magkano ang bahay: 18 million pesos!

Continue reading below ↓

"Nilabas po nila kasi online ko nabili yun," aniya.

Kimpoy Feliciano living room

Kimpoy Feliciano dining room

Continue reading below ↓

Bukod sa bahay, nakabili rin siya ng tatlong sasakyan.

KIMPOY AND GIE: REEL AND REAL-TIME LOVERS?

Samantala, lead stars sina Kimpoy at Gie sa YouTube six-part series na Laro Tayo, Taguan Ng Feelings, na umeere kada Sabado.

Kimpoy Feliciano series

Ang istorya nito na sinulat ni Kimpoy ay hango sa relasyon ng dalawa bilang mag-best friend.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kimpoy at ang buong cast at direktor ng Laro Tayo, Taguan Ng Feelings via Zoom noong September 8, 2021.

Ayon kay Kimpoy, sa tunay na buhay ay wala silang relasyon ni Gie.

"Kasi po kami po ni Anghet, mag-best friends po talaga kami since second year high school hanggang ngayon. So parang yung istorya na ito, somewhat related sa aming dalawa.

"Pero since nagkaroon kami ng followers na talagang sini-ship kami to be together, as a couple, in a relationship, parang in-exag [exaggerated] na yung mga nangyayari dun sa series, iyon yung gusto nilang mangyari sa aming dalawa.

"So parang iyon yung ginawa naming istorya, parang iyon yung gift namin for our followers. Gusto namin silang mapasaya."

Ang "ship" o "shipping" ay ang kagustuhan ng mga tagahanga ng isang tandem na magkatotoo ang relasyon ng kanilang mga iniidolo.

Sa tunay na buhay ba, posibleng magkagusto si Kimpoy sa taong itinuturing niya as best friend?

Continue reading below ↓

"Ako, ha, sa totoo lang, naniniwala ako na kung kaya mong maging in a relationship with your best friend, why not, di ba?

"Kasi di ba, parang, ako I would want my partner to be my best friend, as your someone na susuportahan ako, somone who knows every part of my life.

"So yeah, kung ako po ang masusunod, I would want my partner to be my best friend, or my best friend to be my partner."

Bakit hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Gie gayung pareho silang single?

Ayon kay Kimpoy, iniisip nila na kung magiging sila at mag-aaway sila ay maaaring masira ang kanilang pagkakaibigan.

Dagdag pa niya, "Siguro po busy kami sa mga sarili naming goals.

"Pero iyon nga po, hindi naman po namin kino-close yung doors kasi meron din naman kaming usapan, at alam din ng mga followers namin, na kung wala na talagang, ewan ko po, iyon po yung landing naming dalawa, e, na kung walang choice, kaming dalawa.

Continue reading below ↓

"Parang ganun."

Kamakailan ay nasangkot sina Kimpoy at Gie sa isang aksidente nang mabangga ng isang trak ang kotse ni Kimpoy.

Nangyari ito isang araw bago ang lock-in taping nila para sa Laro Tayo, Taguan Ng Feelings noong August 25.

"Nagpa-swab po kami nun. As in bago kami mag-shoot talaga, sa Quezon Avenue, bago mag-U turn, padiretso pala siya."

Continue reading below ↓

Wala namang nasaktan sa kanila sa aksidente.

"Tumama agad sa barrier kasi kung hindi, baka malayo nang narating namin."

KIMPOY ADMIRES MAINE MENDOZA

Bukod sa pag-arte niya sa Laro Tayo, Taguan Ng Feelings, nakapag-guest na rin si Kimpoy sa Inday Will Always Love You at TODA One I Love.

Ngayong pinasok na niya ang larangan ng pag-arte, nais raw ma-experience ni Kimpoy na makagawa ng mainstream na pelikula o serye sa television.

Kung magkakaroon siya ng sarili niyang serye, sino ang nais niyang maging leading lady?

"Si Maine Mendoza," ang mabilis na sagot ni Kimpoy.

"Kuwela siya, e. Ganun po ang gusto ko sa babae, yung kuwela, 'tapos ang ganda ng personality, parang what you see is what you get, yung ganun."

Na-meet na ni Kimpoy si Maine dahil nakapag-guest na siya sa "Bawal Ang Judgmental" segment ng Eat Bulaga!, kung saan isa si Maine sa mga hosts.

Dahil palaging nagtu-tweet si Kimpoy ng kanyang paghanga kay Maine, alam raw ni Maine ang tungkol sa paghanga sa kanya ng binata.

Continue reading below ↓

"Sabi niya pina-follow na niya ako Tumblr pa lang, hindi pa siya artista. 'Tapos nung lumabas siya sa Eat Bulaga! nagtu-tweet din ako, so nakikita niya yung mga tweets ko. So finollow niya ako tapos iyon, nakapag-usap po kami konti.

"Pero siyempre ngayon, hindi, kasi may dyowa na siya."

Gumaganap si Kimpoy bilang si Paul at si Gie naman ay si Angel sa Laro Tayo, Taguan Ng Feelings, sa direksiyon ni Bril Juan na siya ring gumawa ng screenplay.

Kasama rin sa cast ang Kapuso young male star na si Ralph Noriega bilang si George, Jhelo Cristobal as Sir Ronnie, Aiyana Perlas as Nadine, Lara Fortuna as Celia, Gio Ramos as Jasper, Anjo Pertierra as Captain Dave, at si Kiki bilang si Sam.

Mula sa Brilliant Stars Entertainment, Team Paolita, at KUMU, ang Laro Tayo, Taguan Ng Feelings ay napapanood tuwing Sabado, 8 p.m. sa Brilliant Stars Entertainment YouTube Channel mula September 11 hanggang October 2.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kimpoy with his dog Alab and his 18-million-peso house in Rizal
PHOTO/S: @kimpoyfeliciano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results