Miles Ocampo, Janus del Prado post about upcoming Kapuso sitcom with John Lloyd Cruz

by Bernie V. Franco
Dec 8, 2021
miles ocampo gma 7
Miles Ocampo takes to Instagram to promote upcoming Kapuso sitcom topbilled by John Lloyd Cruz. Netizens comment that most of the cast members of the Kapuso sitcom were also part of John Lloyd's last sitcom in ABS-CBN.
PHOTO/S: @milesocampo on Instagram

Nagparamdam sa social media sina Miles Ocampo at Janus del Prado para sa kanilang upcoming Kapuso sitcom na siya ring TV comeback ni John Lloyd Cruz.

Sina Miles, Janus, at John Lloyd ay ABS-CBN homegrown talents na magsasama-sama para sa Kapuso sitcom na Happy ToGetHer.

Noong November, 9, 2021, pumirma ng program contract sa GMA-7 si John Lloyd.

Nitong December 7, sunud-sunod ang pagpu-post ni Miles sa kanyang Instagram Story tungkol sa kinabibilangang Kapuso sitcom.

Base sa kanyang posts, nagkaroon na sila ng pictorial para sa sitcom.

Nag-post siya ng selfie photo nila ni John Lloyd na may caption na “Kuyaaaaaa” na may kasamang heart emoji.

Magkasama rin sina Miles at John Lloyd sa pinakahuling show ng aktor sa ABS-CBN, ang Home Sweetie Home. Gumanap sila noon bilang magbayaw.

miles ocampo john lloyd cruz kapuso

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Miles ang larawan ng complete cast ng kanilang sitcom, kabilang sina Carmi Martin, Ashley Rivera, at Jenzel Angeles.

Nasa larawan din sina Janus del Prado, Eric Nicolas, at Bobot Mortiz na identified din sa ABS-CBN.

Nakasama rin noon nina John Lloyd at Miles si Eric sa Home Sweetie Home, na ang direktor ay si Bobot.

Samantala, nananatiling Star Magic talents sina Miles at Eric.

Ipinost naman ni Janus sa Instagram ang pictorial ng cast ng Happy ToGetHer.

Ni-like pa ito ng kanyang kaibigan at bagong Kapuso star na si Bea Alonzo.

janus del prado gma 7

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Janus ang teaser ng programa kung saan kasama si Jayson Gainza, na kilala ring ABS-CBN talent at kasama rin sa Home Sweetie Home noon.

Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming netizens ang nagkomento na naaalala nila ang Home Sweetie Home sa comeback TV project ni John Lloyd.

miles ocampo gma 7

Continue reading below ↓

miles ocampo gma 7

miles ocampo gma 7

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, wala pang eksaktong petsa kung kailan magsisimulang umere ang Happy ToGetHer sa GMA-7.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo takes to Instagram to promote upcoming Kapuso sitcom topbilled by John Lloyd Cruz. Netizens comment that most of the cast members of the Kapuso sitcom were also part of John Lloyd's last sitcom in ABS-CBN.
PHOTO/S: @milesocampo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results