Dirty Linen, may 1 billion total online views na

by KC Cordero
Mar 15, 2023
Dirty Linen casts, and photo of Janine Gutierrez
Enjoy si Janine Gutierrez kapag nakikita ang excitement at kaba ng mga nanonood ng Dirty Linen. “I try to tweet kapag umeere iyong show. It’s my way na rin of thanking everybody for being so involved and excited.” (Photos courtesy of Janine Gutierrez)

Namamayagpag ngayon ang teleseryeng Dirty Linen ng ABS-CBN sa social media matapos makakuha ng kabuuang one billion online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Ipinapalabas ito tuwing tuwing weeknights, 9:30 p.m.

Ang revenge series na pinangungunahan ni Janine Gutierrez ay consistent sa pagiging trending topic sa Twitter Philippines.

Art card about the 1B views

Laging nagkokomento ang netizens at nagbibigay ng kanilang reactions sa matitinding kompontasyon sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya Fiero.

Hindi rin nila ito binibitawan dahil sa mga nakakagulat na plot twists.

Kabilang din ang Dirty Linen sa dalawang nangungunang TV shows sa iWantTFC.

Nakakuha rin ito ng all-time high na 141,957 live concurrent views sa Kapamilya Online Live.

Nakadaragdag din sa mga matitinding eksena ang musical scoring, editing dahil sa magagandang transitions, gayundin ang istorya, direksiyon, at ang mga artistang gumaganap.

Read also: Kilalanin ang Dirty Linen cast: sinu-sino ang may itinatagong sikreto?

Nagsimulang umere ang Dirty Linen noong January 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Janine Gutierrez reacts to hilarious memes featuring her photo: "Yung gusto mo lang naman magpromote."

Matatandaang sa ginanap na media conference last January 17, sa ulat ng ABS-CBN News ay sinabi ng beteranang aktres na si Tessie Tomas, isa sa mga tauhan sa serye, na mula sa cast members hanggang sa mga props na ginagamit sa serye ay pang-world-class.

Gumaganap si Tessie bilang si Doña Cielo, ang fierce matriarch ng makapangyarihang Fiero family.

Ipinagmalaki rin niya ang production sets, “Sobra akong in awe noong pumasok ako sa set, kasi recreated yung mansion.

“Sabi ko, 'Oh my God, milyon ang ginasta ng Dreamscape dito.' Wala ditong fake.

"Yung mga chairs namin dito talagang velvet. Hindi nagtipid. Pang-Netflix ito. Hindi mababawi ito kapag hindi nag-Netflix.

“Sabi ko, ile-level up ko rin ang acting ko dito kasi alam kong pinaghirapan ito.”

Photo of Janine Gutierrez

Aminado naman si Janine na sobrang happy siya sa nakukuhang feedback at reaksiyon mula sa mga sumusubaybay sa kanilang serye.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya sa artikulong lumabas sa Metro Style last January 31, “I try to tweet kapag umeere iyong show. Nae-enjoy ko na nakikita iyong excitement at kaba nung mga nanonood.

“Favorite ko kapag napapamura sila sa takot or sa excitement kasi damang-dama ko iyong suspense, and it’s so fun!

“It’s my way na rin of thanking everybody for being so involved and excited.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enjoy si Janine Gutierrez kapag nakikita ang excitement at kaba ng mga nanonood ng Dirty Linen. “I try to tweet kapag umeere iyong show. It’s my way na rin of thanking everybody for being so involved and excited.” (Photos courtesy of Janine Gutierrez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results