Ai-Ai delas Alas confirms AlDub will be part of MMFF movie with Vic Sotto

by Julie E. Bonifacio
Aug 24, 2015
Alden Richards and Yaya Dub (right frame) will be part of the MMFF 2015 entry starring Ai-Ai delas Alas (left frame) and Vic Sotto titled Rom-comin Mo Ako.

Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na makakasama niya sa kanyang 2015 Metro Manila Film Festival entry sina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza.

Ang sikat na AlDub loveteam ng Eat Bulaga! ay bahagi ng MMFF entry nina Ai-Ai at Vic Sotto titled Rom-comin Mo Ako.

“Yes, confirmed na confirmed,” diin ni Ai-Ai noong makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng August 23 episode ng Sunday PinaSaya sa GMA Network.

Ano ang role nina Alden at Yaya Dub sa movie nila ni Vic?

“'Yan ang hindi ko alam. Basta, parang kami ni Alden, tapos sila [Vic] at Yaya Dub, ganoon," sabi ng Comedy Queen.

May four-year contract si Alden sa APT Films, isa sa producers ng Rom-comin Mo Ako.

Ang iba pang producers ay ang OctoArts Films at M-ZET Productions.

Sa naunang panayam kay Direk Mike Tuviera ng APT, sinabi niyang pinag-uusapan na nila ang posibilidad na gumawa ng pelikula para kina Alden at Yaya Dub.

Continue reading below ↓

Read: Will there be an AlDub movie for Alden and Yaya Dub? Direk Mike Tuviera says, “If the fans want...”



NEW TALK SHOW. Pero bago simulan ni Ai-Ai ang movie nila ni Vic with Alden and Yaya Dub, magkakaroon muna siya ng showbiz-oriented talk show sa Kapuso network.

Pagbabalita ni Ai-AI, “Oo, Celebri-TV [ang title]. A, ang alam ko, ang start niyan sa September 19.

“Part pa rin ‘yan ng contract ko sa kanila, kasama ng soap at kung anu-ano pa.”

Maki-claim ba niya na siya na talaga ang bagong reyna sa GMA-7?

“Hindi naman,” tanggi ni Ai-Ai. “Si Marian [Rivera] pa rin, siyempre.”

First time ba niyang mag-host ng isang showbiz-oriented talk show?

“Hindi, pero pasama-sama lang. Pero ngayon, first time na ganitong format.

“Pero yung mga tanong, sa mga kasama ko ipapasa. Kasi ang ano ko sa kanila parati, artista rin ako.

"Ayoko nung ako ang makikisali sa intriga.

Continue reading below ↓

“Kasi, alam ko yung feeling. Nakaka-stress din yun.

"Yung tungkol sa artista, kayo na ‘yan.

"Basta ako, happy moments lang ako. Like, yung kunyari may mga hobbies, ako yun.

“Meron akong parang challenge sa mga artista pero hindi about their personal lives.”

Kung mabibigyan siya ng chance na mamili ng una niyang guest para ma-interview sa Celebri-TV, sino yun?

“A, si Alden at saka si Yaya Dub. Siyempre, lahat naman dream na magkita sila.

“Sa isang set nakaupo sila, kahit hindi sila nagsasalita. Hahaha!

“O kaya naman, si Alden nasa set, si Yaya Dub nasa screen.

“Gusto ko yun na, kahit hindi siya magsasalita basta nandoon lang siya, kasi bawal naman siyang magsalita.

“At yun na nga... yun ang gusto ng mga faney [fans].

"At masaya rin ako dahil kasama ko sila sa movie."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards and Yaya Dub (right frame) will be part of the MMFF 2015 entry starring Ai-Ai delas Alas (left frame) and Vic Sotto titled Rom-comin Mo Ako.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results