Noong November 4, bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng upcoming romantic comedy ng Star Cinema na My Amnesia Girl sa Torre Venezia Suites, Quezon City.
Ang mga stars na nasa shooting ay sina Toni Gonzaga at Bea Saw. Wala sa shoot ang screen partner ni Toni na si John Lloyd Cruz.
Si Direk Cathy Garcia-Molina ang namahala sa shooting mula 6 p.m. hanggang lagpas hatinggabi.
(CLICK HERE to read related article)