Ika-6 Na Utos director Laurice Guillen reveals downside of having high ratings

On the show's bashers, director Laurice Guillen says, "You cannot please naman everyone, pero alam mo kahit saan ako pumunta, sa bangko, sa ospital, sa shopping sa ano, nagugustuhan nila."



Hindi pa rin minsan makapaniwala ang batikang director na si Laurice Guillen sa phenomenal ratings at matinding impact ng seryeng Ika-6 Na Utos sa publiko.

Aniya, “Yes, in a way kasi parang ang lakas niya na panghapon, di ba?

“Pero iyon nga… pero more or less, kaya nga iyon nga ang mahirap kasi ano, mahirap yung mataas ka.

“Kailangan i-sustain n'yo.”

Subalit pinatunayan ng cast and crew ng naturang teleserye na kaya nilang i-sustain ang mataas nilang ratings. Sa katunayan, tumaas pa nga ito.

Ang Ika-6 Na Utos lamang ang teleserye sa kasalukuyan na mapapanood kahit Sabado.

Pagsang-ayon ng director, “Oo nga, wow!

“Kaya nga imbes na two days a week lang ang taping ng pang-afternoon, nagiging three days.

“Hindi naman ako nagrereklamo ano,” sabay nigit ni Direk Laurice.

Ngunit kahit gaano katagumpay ang show, mayroon pa rin itong mga bashers. Bakit palagi na lang daw nag-aaway ang mga karakter nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon?

Ang reaksiyon dito ni Direk Laurice?

“Ewan ko…

“You cannot please naman everyone, pero alam mo kahit saan ako pumunta,  sa bangko, sa ospital, sa shopping sa ano, nagugustuhan nila.

“Sinasabi sa akin ng mga sales girls na nanonood pa raw sila sa YouTube kasi wala, you know, busy sila during the afternoon.

“Mga ganun, so sa akin naman kung… may choice ka naman di ba, kung TV, di ba, e, di puwede mo namang…

"Pindutin mo lang [ang remote] di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang acclaimed director sa presscon para sa New York professional acting teacher na si Anthony Vincent Bova na ginanap sa 17th floor ng GMA Network.

IS RYZA LEAVING? Tinanong din namin si Direk Laurice kung mananatili ba si Ryza sa show.

May balita kasi na dahil hindi na GMA Artist Center artist ang aktres ay baka tanggalin na ito sa naturang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well you know, she’s…

"As far as I know, yung takbo ng istorya, kasi yung istorya namin puwedeng, you know...

"May parang book one, book two, book three, di ba?” tugon niya.

“So at anytime na ano, puwedeng mag-end siya…

“Pero kung hindi siya mag-end, meron talaga siyang, may plot talaga.”

Gaano naman katotoo na gino-glorify daw ng palabas ang pagiging isang kabit o mistress?

Sagot ni Laurice, “Hindi naman! Hindi gino-glorify.

“E kasi, hindi naman….

“E talagang she’s just being true to herself, yung Georgia character [ni Ryza], na wala siyang moralidad, you know.

“Lahat ng gusto niyang makamit, papatay siya kung kinakailangan, di ba?”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN