"Sunday is the new Saberday!"
Ito ang tag line ng upcoming noontime variety show ng TV5 na Sunday Funday na magiging kapalit ng dati nilang variety show tuwing Sabado na Hey! It's Saberday.
Ang kaibahan ng bagong programang ito'y ang pagkawala ng ilang cast ng dating noontime show, tulad nina JC de Vera, Danita Paner, Arci Muñoz, at Alex Gonzaga.
Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang set ng Sunday Funday sa Splash Island sa Biñan, Laguna noong Marso 16.