"Masarap ang feeling, kapag ikaw ang kapiling sa tag-ulan," ito ang tema ng rainy season station ID ng ABS-CBN ngayong taon.
Kaiba sa mga dating mabagal na awiting ginagamit sa kanilang station ID, mabilis ang tempo ng kantang ginamit nila ngayong taon, ang "Da Best ang Feeling," na inawit ni Toni Gonzaga.
Ang buong station ID ay sa direksyon ni Peewee Gonzales, sa tulong na rin ng kanyang creative director na si Johnny delos Santos.
(CLICK HERE for related article)