RED CARPET WATCH: The Healing

Jul 28, 2012

Nagbigay ng all-out support ang cast members ng The Healing sa premiere screening ng pelikula, Martes ng gabi, July 24, sa Cinema 2 ng Shangri-La Cineplex. Kapansin-pansing nagkaisang magsuot ng pula ang mga artistang pinangunahan ng Star for All Seasons, Vilma Santos. Napabilang din sa dumating sa premiere night ang cast members na sina Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang, Carmi Martin, Ynes Veneracion, Allan Paule, Ces Quesada, Jhong Hilario, Daria Ramirez, at Cris Villanueva. Samantala, hindi nakadalo sina Martin del Rosario, Robert Arevalo, Joel Torre, Ina Feleo, at Mercedes Cabral na bumubuo rin sa powerhouse cast ng pelikula.

Ang The Healing, na idinerehe ng award-winning filmmaker/producer/writer na si Chito Roño, ay kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan, nationwide. Ito ay tumatalakay sa faith healing o pagpapagamot ng mga may sakit sa isang albularyo.

(CLICK HERE to read related article)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results